Advertisers

Advertisers

Ronnie pinag-init ang syotang si Loisa; Ian kontrapelo ng misis

0 9

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA pagbabalik-tanaw ni Ian Veneracion, sinabi niya na hindi raw niya inakala noong sa edad na 22 ay sasabak na siya agad sa pag-aasawa.

Sey pa niya, hindi raw niya ma-imagine noon ang sarili na sa araw-araw ay iisang tao lamang makikita niya mula paggising hanggang pagtulog sa bahay.



Gayunpaman, nanaig daw noon ang true love niya sa kanyang lifetime partner na si Pam Gallardo.

Katunayan, noong ikasal daw sila ay nangako siya sa sarili na aalagaan ang kanyang esposa nang habambuhay.

Tulad ng ibang marriages, hindi raw naman masasabing perpekto ang kanilang pagsasama.

Nagkakaroon din daw sila ng mga hindi pagkakaunawaan.

Kontrapelo raw din sila ni Pam dahil magkaiba ang kanilang mga personalidad.



Pero, kung sa ibang mag-asawa ay minus point ito, naging bentahe pa nga raw ito sa kanila.

Naniniwala kasi siya sa kasabihang “opposites attract.”

Sa kanilang dalawa raw ay siya iyong tipong good cop o kunsitidor sa mga anak samantalang ang kanyang misis ang tipo ng disciplinarian.

Sa online show naman ni Bianca Gonzales, ibinahagi rin niya ang sikreto ng kanilang matatag na samahan ng misis.

Aniya, malaking factor daw na ang napangasawa niya ay non-showbiz pero sumusuporta naman sa kanyang career.

Hindi rin daw sila iyong klase ng mag-asawa na “usi” sa isa’t isa bagama’t lagi namang naroon ang ‘trust’ nila sa bawat isa.

Isa pa raw sa pinakakahalagahan niya ay ang privacy niya pati na ng kanyang pamilya.

Sa estado rin daw ng kanyang buhay, nasa prayoridad na niya ang gugulin ang kanyang twenty one summers sa piling ng kanyang asawa’t mga anak.

Katuwiran niya, hindi raw naman laging makakapiling niya ang kanyang mga supling kaya gusto niyang masulit ang bonding sa mga ito, lalo na’t na-realize niya kung gaano kaiksi ang buhay noong pandemic.

Si Ian ay may tatlong anak sa kanyang misis na si Pam, sina Draco, Dids at Duccio.

***

SA kanyang Instagram account, nag-post si Ronnie Alonte ng snapshots niya sa kanyang latest ganap.

Makikitang nakaupo lang ito na parang katatapos lang sa pagsabak sa isang event.

Nakasando at shorts ang aktor at suot din nito ang kanyang paboritong cap.

Hindi naman napigilang magkomento sa mga litrato niya ang kanyang dyowa.

Sey ni Loisa Andalio: “hot naman nito 🥵””

Sumang-ayon naman ang followers ng Kapamilya actor na tinaguriang Kilig King.

Tugon naman ni Ronnie sa kanyang partner: “@iamandalioloisa luh”

Sinundan pa ito ng reaksyon ng aktres na: “kaya pala uminit uli 🔥🥵☀️”

Sey ng kibitzers, pinag-init daw ng aktor ang kanyang girlfriend.

Ito naman ang ilang komento ng netizens.

“oppa🥵🥰.”

“teh @iamandalioloisa ang gwapo san pwedeng makahanap ng ronnie a. V2”

“sobrang hot kahapon pa beh,Jusko yung crowd at sigawan wagas. Pero yung cap talaga bigay daw ni misis Ayieehhh love you both💜💜💜”

“bigay nga kasi ni loiskie yung cap❤😂”

“Pakili kili ka naman master”

“Jusko apakahot MO nmn po. Iloveyou.. ❤️🔥😍”

“ANAKAN MO NA DIN SI LOISA @iamr2alonte