Advertisers

Advertisers

Singer-DJ Debbie Lopez, peg maging sexy comedienne

0 88

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

BAGAMA’T ang Chinita Princess na si Kim Chiu ang paboritong aktres ng singer/DJ na si Debbie Lopez, sinabi naman nito sa interview na nais anya niyang maging sexy comedienne.

So, ala-Rufa Mae Quinto pala ang peg ni Debbie na gampanan sakaling may mag-alok daw sa kanya na maging artista.



Who knows? Lalo na ngayong lie low si Rufa Mae sa showbiz, pwedeng humalili sa kanya si Debbie, di ba?

Sa idinaos na intimate presscon kamakailan ng Cebuana singer na si Debbie na kilala sa tawag na DJ Debbz, inamin niya na grabe raw ang kaba niya sa pagharap sa ilang entertainment press. Pero nawala naman daw ito nang makaharap at makausap na niya ang mga ito.

Tsika ni Debbie, single pa rin daw siya ngayon at nakatuon ang kanyang atensyon sa kanyang singing career. Umaasa umano ang dalaga na maiibigan ng music lovers ang kanyang pagkanta na sa true lang naman, maganda talaga ang boses niya.

Peyborit singer daw niya si Ice Seguerra at wish ni Debbie na sakaling magka-concert ay mai-guest niya ito.

Hindi rin naitago ng dalaga ang kilig nang mabanggit ang kanyang crush na si JM de Guzman. Umaasa siya na balang araw ay magkita at magkasama sila sa proyekto ni JM na magaling din namang singer.



Pino-promote ni Debbie ang Cebuano single niyang Ang Higugmaon Ka na mapakikinggan at mapapanuod na sa Youtube channel ng composer ng kanta na si Kuya Bryan.

Available na raw sa Spotify at iba pang music platform ang nasabing kanta na isang ballad song.

Marami pang plano si Debbie sa kanyang musical career kaya abangan na lang natin ito.