Advertisers

Advertisers

5 barangay sa QC “drug cleared”

0 5

Advertisers

NAKATAKDANG ideklara ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QC-ADAAC) na “drug-cleared” ang karagdagang lima pang barangay sa Lungsod.

Sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse nitong Mouerkules sa Philippine Public Safety College, sinabi ni QC-ADAAC co-chairman at Vice Mayor Gian Sotto na sa ngayon ay bumababa na ang bilang ng mga drug addict at drug pusher sa lungsod..

Ito, aniya ay resulta ng malawakang information campaign at mga drug prevention program ng lokal na pamahalaan lalo na ang pagtugon sa pagbibigay ng trabaho sa taumbayan.



Naging posible rin, aniya, ito dahil sa pakikipagtulungan ng barangay, mga eskwelahan at iba pang stakeholder na mulat narin sa negatibong epekto ng illegal drugs.

Pangsamantalang hindi tinukoy ni Sotto kung anong mga barangay ito dahil hihintayin pa ang rekord na manggagaling sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC).

Una nang idineklang drug-cleared ang 94 barangays sa buong Quezon City. (Almar Danguilan, Boy Celario)