Advertisers
Mukhang may mali sa DOTr, bakit kailangan kumuha ng mga Coast Guard para magmando ng trapik at manghuli sa EDSA gayung ang ibang siniswelduhan natin para proteksyunan ang nasasakupan nating teritoryo ay nakikipag patintero sa inaangkin ng China na West Philippine Sea.
Hindi ba unfair ito sa ilang kagawaran na sumumpa sa kanilang tungkulin para proteksyonan ang ating sobereniya at sinilangang lupa kumpara sa mga nakadestino sa EDSA at inaatupag ang panghuhuli ng mga sasakyan?
Kaya maging ang mga motorista ay naguguluhan dahil mga nakauniforme pa ng Philippine Coast Guard ang mga nanghuhuli na hindi natin malaman kung kasama ba sa pinagaralan nila ang batas trapiko.
Ano ba talaga?
Baka sa susunod makita naman natin ang mga MMDA, HPG, LTO nagta-trapik naman sa Scarborough Shoal?
Paki explain nga po?
Marami na ang umaangal o nagko-contest sa mga maling huli ng (SAICT) Special Action and Intelligence Committee for Transportation na ginagawa nito sa kahabaan ng EDSA.
Sintido kumon lang ehh!
Halimbawa you are a nurse by profession at ilalagay ka sa pagpaptupad ng batas trapiko, anong alam mo dyan?
Sasayangin ba natin ang pinapasahod sa mga professional na ito para lang mag ayos ng batas trapiko o higit na mas kailangan natin ng taong magbabantay sa ating teritoryo?
Nagtatanong lang naman po?
On my own opinion di ako kukuha ng isang inhenyero na babayaran ko para lang magwalis?
You know what I mean.
Marami na talagang sobrang tatalinong tao sa ating ahensiya ng gobyerno ngayon!
Kung anu- ano na ang iniimbento at inieksperimento.
Mantakin mo pati ang problema sa daloy ng trapiko sa EDSA,Coast Guard pa ang nirecruit at ginawang traffic enforcers?
Kung di ba parang may mga AMATS.
Ang layo ng koneksyon di po ba?
At ngayon nga,napatunayan ng sambayanang commuters na imbes na makatulong ang weirdo na diskarte,nagcreate pa ito ng karagdagang problema dahil nagmistulang modernong mga pirata ang mga itinalagang PCG sa EDSA para mangotong!
Kawawang mga motorista,nagdurusa na nga sa matinding trapik sa EDSA,nabibiktima pa ng mga maling huli at mga bobo ngunit masisibang traffic enforcers o task forces.
Hay buhay!
Doble- dobleng pasakit sa mamamayan.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com