Advertisers

Advertisers

Barbie binuking, may naramdaman kay David habang magkatabing natutulog

0 14

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MAY mga nagsasabi (at nagkukumpara) na nagkakahawig ang istilo at husay sa pag-arte nina Barbie Forteza at Kathryn Bernardo.
Kaya naman naitanong ito kay Barbie.

Naging maingat si Barbie sa pagsagot tungkol dito…
Aniya, “Actually, naku! Hindi ko alam kung papaano ko po sasagutin iyan.
“Kasi aaminin ko, isa rin po si Miss Kathryn Bernardo sa mga taong nilu-look up ko sa showbiz.
“She really handles her career and personal life really, really well. And that is why there’s no doubt kaya maraming brands ang naa-attract niya.”



Isa si Kathryn sa mga artistang maraming product endorsement at commercials.
Pagpapatuloy ni Barbie, “Dahil ganun niya talaga dalhin ang sarili niya. And so to be acknowledged or to be noticed na kahit papaano ay parehas, is siyempre a very big honor for me.
“And sana, sana magkatrabaho kaming dalawa dahil isa rin siya talaga sa mga gusto kong makatrabaho, at isa sa mga ina-admire kong actors of our generation.”

Isa pa ba sa mga pressure kay Barbie ay ang “pamimilit” ng iba na maging totohanan ang tambalan nila ni David Licauco?
Hindi naman daw, ayon kay Barbie.
Lalo pa nga at unang pelikula nila o ng BarDa ang That Kind Of Love, ni direk Catherine “CC” Camarillo na ang premiere night ay sa July 4 sa SM Megamall. Showing naman sa mga sinehan sa July 10, nasa pelikula rin sina Divine Aucina, Arlene Muhlach, Ivan Carapiet, Kaila Estrada at Al Tantay, mula sa Pocket Media Productions, Inc. at Pocket Media Films

Tinanong namin si Barbie kung ano ang mga qualities ni David ang gusto niya.
“Ang mga gusto kong qualities ni David, yung… pag-aalaga niya sa akin pag kami lang dalawa.
“Yung pagka kunyari, actually isa nga sa mga naalala kong memorable na eksena, yung nasa crossing kami, nasa kalsada kami. Wala kaming lapel, wala kaming anything.”
“Di ba? Na-experience ko yun kasi natulog kami sa kama, sa eksenang magkatabi kami. Naramdaman ko ang kanyang mga bisig! Ganun,” tumatawa pa ring kuwento ni Barbie.