Advertisers

Advertisers

BATANGAS ANGKOP PARA SA SENTRONG KALAKALAN!

0 3,213

Advertisers

Iyan ay kung may sapat na suplay ng kuryente sa mga negosyante at malaking tsansa na maging susunod na sentro ng logistics ang lalawigan ng BATANGAS bukod pa sa paglago ng TOURISM, COMMERCIAL FISHING at INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY (ICT).

Inihayag ni BATANGAS GOVERNOR HERMILANDO MANDANAS na ang kasalukuyang magandang lokasyon ng kanilang lalawigan ay pabor sa mga korporasyon na nais magtayo ng kanilang opisina sa probinsiya at angkop na angkop para maging sentro ng KALAKALAN upang suportahan ang mga masisikip na pantalan sa MANILA, SUBIC-CLARK at CEBU.

Aniya, upang makamit ng BATANGAS ang inaasam na maging INDUSTRIYALISADONG LALAWIGAN ay kailangan umanong magkaroon ng matatag at maaasahang imprastraktura para masuportahan ang pag-unlad ng mga sektor sa pamamagitan ng tamang suplay ng kuryente.



Mga ka-ARYA.., ang BATANGAS ang may ikatlong mataas na kontribusyon ng GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP) sa ekonomiya ng CALABARZON pagkatapos ng LAGUNA at CAVITE.., na ayon sa pag-aaral, kapag mataas ang GDP ng isang lalawigan ay mas mataas din ang pangagailangan nito ng suplay ng enerhiya dahil sa mataas na konsumo ng kuryente.

Ang POWER SUPPLY sa BATANGAS ay hindi pa umano sapat sa ngayon para masuportahan ang INDUSTRIALIZATION PLAN.., na ang nagsu-suplay ng pangangailangang enerhiya sa lalawigan ay ang mga LOCAL ELECTRIC COOPERATIVE ng kuryente tulad ng BATANGAS I ELECTRIC COOPERATIVE, INC (BATELEC I) at BATANGAS II ELECTRIC COOPERATIVE, INC (BATELEC II).

Yun nga lang, ang problema ay hindi raw kayang suplayan ng kuryente ng mga kooperatiba ang pangangailangan ng mga negosyante.., kaya madalas ay pumapalya ang suplay na nagreresulta sa mahabang brownout o hindi maaasahang dami ng suplay at iba pang masamang serbisyo na nagdudulot ng sakit ng ulo sa mga lokal na kumpanya.

Bunsod sa madalas na paghinto ng suplay ng kuryente ay hindi tuloy makapagbigay ng epektibong serbisyo ang mga kumpanya sa kanilang kustomer.., at madalas pa ay nagiging sanhi para madaling masira ang kanilang mga kasangkapan.

Ang nakalulungkot pa niyan.., dahil limitado lang ang kapital ng mga kooperatiba ay wala silang kakayahan para ayusin at pagandahin ang kanilang mga pasilidad at serbisyo kaya naaantala ang paglago ng lokal na ekonomiya.



Dahil diyan ay may mga mungkahi na mula sa mga lokal na negosyante, pati na ang mga nagmamay-ari ng beach resorts na lubos na naapektuhan ang operasyon dahil sa madalas na brownout.., ay payagan na raw na makapasok sa BATANGAS ang malalaking kumpanyang nagsu-suplay ng elektrisidad katulad ng MERALCO.., para masiguro na may sapat silang suplay ng kuryente.

Ang MERALCO ang pinakamalaking pribadong kumpanya sa bansa na nagdi-distribute ng kuryente. Ito ay nagsu-suplay ng kuryente sa 39 na lungsod at 72 munisipalidad, at may 55% na bahagi sa pangkalahatang ibinibigay na elektrisidad sa bansa.

Sa kasalukuyan ay may mga pag-uusap nang ginaganap ang MERALCO sa mga kooperatiba para magkaroon ng pormal na pagsasanib pwersa upang matugunan ang pangngailangan ng sapat na enerhiya sa BATANGAS.

May sapat na teknikal na kakayanan ang MERALCO at magagamit pa nito ang mga asset ng mga linya ng distribusyon sa mga PRANGKISA nito sa CAVITE, LAGUNA at QUEZON para matulungan ang di pa sakop ng prangkisa.., bukod diyan ay may pinansyal na kapasidad ang MERALCO para mangapital upang pag-ibayuhin ang serbisyo sa mga kustomer, kasama na ang training para ma-develope at mahasa pang mabuti ang mga empleyado nito.

Sa prayoridad ng SOCIO-ECONOMIC AGENDA ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. ay kabilang dito ang pagkakaroon ng seguridad sa enerhiya sa bansa. Naniniwala ang PRESIDENTE na ang sapat na suplay enerhiya ay napakahalaga para maka-engganyo ng FOREIGN INVESTORS na pumasok sa ating bansa na makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng PILIPINAS.

ANG BATANGAS ay nasa tamang daan patungo sa pagiging industriyalisado kasunod ng LAGUNA at CAVITE.., ika nga, malakas ang hatak ng BATANGAS para makaakit ng mga potensyal na negosyante.., yun nga lang kung walang sapat na POWER SUPPLY ang BATANGAS ay mananatiling hikahos ang naturang lalawigan para makaakit ng POTENTIAL INVESTORS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.