Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA 8 months na relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos mula noong October 2022 nang ihayag ng magaling na aktor na in a relationship na nga ito kay Isabel.
After noon, nakikita na magka- bonding ang dalawa at kahit ang anak na si Elias Modesto ni Lloydie sa ex-gf na si Ellen Adarna ay naka-bonding ni Isabel.
Sa latest post ni John Lloyd sa mga larawan nito na travels abroad at local, maraming nagla-like, share and comment.
Kasunod ng current post ay larawan ni John Lloyd para sa kanyang kaarawan.
At dito na nga napansin ang komento ng dyowa ni Lloydie na si Isabel.
Sa larawan ni Lloydie ay naibulalas na nito ang matagal na kinikimkim sa kanyang kalooban.
Pansin ng netizens na di raw masyadong showy ang gf ni Lloydie.
Kaya shocking sa buong Universe ang komento ni Isabel.
After walong buwan, naibulalas na nito sa komento sa mga larawan ni Lloydie na “Mahal kita Bhe!”
O, di ba, how sweet!
***
DAHIL sa na-typecast sa mga gay role si Elijah Canlas kaya marami ang tila duda sa kasarian nito.
Pero sa pagsalang nito sa isang panayam sa isang showbiz platform sa socmed, pinabulaanan ng aktor ang mga duda na siya ay beki.
Wala raw katotohanan ang mga iniisip ng mga netizen na siya ay vaklushi at character nga lang daw ‘yun sa mga nabibigay sa kanya na assignment.
Pero in real life, inamin ni Elijah na siya ay lalakeng lalake kahit na gay anya siya sa boy series.
Kilala raw nito ang sarili at di true ang mga iniisip ng iba na siya ay bakla.
Well, well, well…’Yun na!