Advertisers

Advertisers

Sen. Robin asa na may kilig pa ang tambalan kay Sharon sa pagsasama sa biopic ni Gringo

0 26

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ANG action star at senador na si Sen. Robin Padilla na ang napili ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio para gumanap sa biopic ni dating senador Gringo Honasan na may titulong Gringo: The Greg Honasan Story.

Ayon kay Sen. Robin, noon pa man ay gusto niya na talagang gawin ang ganung pelikula na tumatalakay sa buhay ng mga bayani.
May ginagawang pelikula ngayon si Sen. Robin, ang Marcelo H. del Pilar, at ang Bad Boy 3, pero ayon sa kanya, maisasantabi muna niya ito, dahil next week ay sisimulan na nila itong pelikula ni Gringo.
Kaya namomroblema na raw ang production ng unang pelikulang ginagawa niya dahil masisira ang continuation nito.
Sabi ni Sen. Robin,“Ito pinag-uusapan na namin, baka magupitan ako yata.
“Nagtatalo pa nga ang dalawang producer.”



Nagawa ni Sen. Robin ang buhay ni Sen. Bato dela Rosa at ginawa rin niya ang 10000 Hours na tumatalakay rin sa pinagdaanan ni dating Sen. Panfilo Lacson.
Malaking challenge ito sa kanya dahil iba siyempre ang tatalakayin ng pinagdaanan ni Gringo.
Aniya; “Itong pelikulang ito ay continuation…continuation ito ng mga sakripisyo ng mga bayani natin noon. Si Jose Rizal, Andres Bonifacio, Antonio Luna, Goyo. Eto po ‘yung sa panahon natin.
“Sabi nga ni direk (Abdel Langit), maraming ginawa sa panahon na yun. Eto sa panahon natin.
“Ito ay hindi po ito pulitika. Kung nami-misinterpret nyo kami na ito ay ganito, para sa ganun, hindi po.
“Sa totoo po, kayamanan po ang pelikulang ito. Kailangan po natin ito namnamin. Sapagkat ‘yung tao na hindi nyo alam kung saan ka nagmula, kailangan nyo malaman kung saan ka pupunta.
“Ito ‘yung pag-direct sa atin kung saan ang susunod nating hakbang. Kasi hindi pupuwede na ang salitang pagbabago ay puro salita.

“Sabi nga ni Sir Greg , work hard. Papano tayo magwo-work hard kung wala tayong susundan. Ito pong pelikula sana po ay panoorin ninyo, at ‘pag mapanood ninyo ito ay alam na natin kung ano ang susunod na kabanata.”
Ayon kay Atty. Topacio, si Sharon Cuneta, na naging girlfriend noon ni Sen. Robin ang balak niyang kunin para gumanap na asawa ng magiting na senador sa pagsasapelikula ng buhay ni Gringo.
Na-excite ako,” pag-amin ni Sen. Robin bilang reaction sa sinabi ni Atty. Topacio
“Sana tanggapin niya. ‘Pag nakausap ko si Ma’am Sharon, sasabihin ko naman na ang pelikulang ito ay true story at may aral na matututunan ang mga manonood. Ang magiging problema lang, ‘yung schedule niya, sana hindi siya busy,”

“Sa bandang dulo ng buhay ni Sir Greg, may drama. Si Ma’am Sharon, alam naman natin na magaling siya sa drama. Sana nga ay makasama siya sa pelikula.’Pag nangyari ‘yun, alam ko naman na marami pa rin ang kikiligin sa amin.”
Balak ni Atty. Topacio na isali sa Metro Manila Film Festival ang biopic ni Gringo.

***
MASAYA ang aming kaibigan na si Joel Umali Pena, na presidente ng Lipa Tourism Council, dahil naging successful ang kanilang event na Miss Lipa Tourism 2024, na isa siya sa organizer bilang co-chairman.
Ang taunang beauty pageant ng Lipa ay ginanap noong June 15 sa Plaza Independencia
Si Bless Lamang from Barangay Tambo ang tinanghal na Miss Lipa Tourism 2024. Bukod pa rito ay nakopo niya ang dalawang special award na Best In Swimsuit at Best In Long Gown. Nag-uwi siya ng 100,000 bilang cash prize.
Ang Lipa ay may slogan na #EatPrayLoveLipa, na idea ng mayor na Lipa na si Mayor Eric Africa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">