4 na Indian 1 Malaysian blacklisted, arestado sa Tawi-Tawi
Advertisers
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) nitong June 28 ang apat na kalalakihang Indian na hinihinalang mga illegal aliens ng ahensya.
Ibinahagi ni BI intelligence division chief Fortunato ‘Jun’ Manahan Jr. ang ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Tawi-Tawi kung saan namonitor nito ang apat na Indian nationals na lulan ng isang sasakyang pangdagat.
Kinilala ang mga Indian nationals na sina Lakhwinder Singh Brar, 30; Parwinder Singh, 21; Sukhraj Singh Dubb, 32; at Jagjit Chohan, 36.
Pagdating ng nasabing sasakyan sa Bongao, kinilala ng PCG ang isa pang Malaysian foreign national na si Bryan Joel Ng, 25 na umanoy bumiyahe kasama ang kanyang Filipina girlfriend.
Sa inisyal na pakikipanayam ng PCG, nabatid na ang 4 na Indian nationals ay walang immigration stamps, samantalang si Ng ay walang maipakitang passport.
Agad na ipinagbigay alam ng PCG ang pangyayari sa BI regional intelligence operating unit IX agents, na mabilis na nagtungo sa lugar at ipinatupad ang pag-aresto habang armado ng mission order na nilagdaan ni Commissioner Norman Tansingco sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) Regional Intelligence Unit 9, PNP Zamboanga City Police Office, at ng PNP Intelligence Group.
Nabatid na ang apat na Indians ay blacklisted sa Pilipinas at nagtangkang pumasok sa bansa sa ilegal na paraan para makaiwas sa inspection ng immigration. Samantala, si Ng ay hinihinalang may kaugnayan sa trafficking.
Ang lima ay inaresto at sinampahan ng kasong illegal entry, in violation of Section 37(a)(1) of the Philippine Immigration Act of 1940.
“Our close coordination with government agencies who monitor the country’s vast shorelines is necessary in protecting the Philippines against illegal entrants,” said BI Commissioner Norman Tansingco. “The partnership between the PCG and the BI is crucial in stopping the attempts of these illegal aliens,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN /JOJO SADIWA)