Advertisers

Advertisers

6 nakasuhan sa ‘Wattah Wattah’ isyu ‘: Boy Dila’ wanted ng San Juan City LGU

0 27

Advertisers

Pinapahanap na ng lokal na pamahalaan ng San Juan City si “Boy Dila” o si Lexter Castro nang mag-viral ang video niya na nang-aasar sa isang rider gamit ang water gun sa Wattah Wattah Festival noong Hunyo 24.
Sa viral video, makikita na dumidila pa si Lexter habang patuloy na binabasa ang rider.
Nagkaroon ng pahayag si Lexter ngunit’ hindi ito humingi ng tawad bagkus mas lalong inasar ang rider at maging ang mga netizen.
“Unang-una hindi ko sinaktan si Manong, binasa ko lang siya, nagpaalam ako sa kaniya, sabi ko ‘Babasain kita’ sabi niya ‘Hindi puwede kasi may meeting siya’ pero binasa ko pa rin siya kasi fiesta eh,” saad niya Facebook Live nang mag-viral ang video niya.
“Wag kayong dadaan ng San Juan kapag June 24, alam naman ng taumbayan ‘yan,” aniya pa.
Kaya naman, sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na gusto niyang makausap at maturuan ng leksyon si Castro sa ginawa nito.
Matatandaan na naunan nang sinabi ni Zamora na maghain ng reklamo ang mga naperwisyo.
Samantala, kinasuhan na ang nasa 6 na katao nang magdulot ng abala sa mga dumadaan sa kasagsagan ng selebrasyon ng Wattah Wattah festival.
Ayon kay Mayor Francis Zamora, sa mismong araw ng kapistahan, 6 ang naaresto at nakasuhan at 1 dito sangkot sa umano’y paghagis ng muriatic acid.
Saad pa ng alkalde na kaniyang personal na sinamahan ang isa sa mga biktima sa paghahain ng reklamo sa Prosecutor’s office na sinampahan ng unjust vexation, malicious mischief at slander.
Samantala, bilang tugon ng pamahalaang lungsod sa napaulat na harassment at abala, sinabi ni Mayor Zamora na gagawa ng ilang adjustments ang city government para sa selebrasyon ng naturang piyesta.
Una rito, taunang isinasagawa nga ang Wattah Wattah festival tuwing lunes, Hunyo 24 kung saan parte ng selebrasyon ang tradisyunal na basaan.
Subali’t ilang mga residente ang gumagawa nito sa labis na paraan na nakakaperwisyo na sa mga dumadaan sa lugar.