Advertisers
BUMALIK si Cha Cruz-Bihag sa volleyball scene, bilang assistant coach ng Petro Gazz para sa parating na 2024 PVL reinforced Conference ngayong buwan.
Inanunsyo ng Angels ang pagdating ni Cruz-Bihag upang palakasin ng dating volleyball star ang sidelines na pinamumunuan ni Japanese head coach Koji Tsuzurabara.
Huling naglaro si Bihag sa F2 Logistics bago kumalas ang squad sa PVL noong Disyembre 2023, kasama ang kapwa De La Salle University product Aby Maraño, Kim Kianna Dy, Majoy Baron, Kim Fajardo, at Ara Galang.
Lahat itong player ay nakahanap ng bagong tahanan na si Abby Maraño at Galang sumali sa Chery Tiggo habang si Dy, Baron, at Fajardo tumalon sa PLDT.
Pero si Cruz-Bihag ay nag desisyon na magsout ng ibang sumbrero at pumayag na maging isang deputy ng Angels.