Advertisers
PAMUMUNUAN ng veterans Patrick King Perez, Veronica Garces at Jubilee Briones ang Philippine taekwondo team na sasabak sa Chuncheon Korea Open at Daegu World University Championships sa South Korea sa Hulyo 5-14.
Bukod sa tatlo, ang 12-player team na bahagi s nakaraang taon Hangzhou Asian Games sa China – sinabi ng Taekwondo Association na ang 32 na iba pang Filipino jins ay lalahok sa poomsae (forms) at Kyorugi (free sparring) events.
Kumpiyansa ang PTA na ang team ay mag perform prominently sa event lalo na si Perez, na tanyag ang kanyang sarili na first medal winner ng bansa – bronze sa poomsae-sa nakaraang Asiad.
David Cea, na sasabak sa 74kg, ay pamumunuan ang men’s team sa free sparring kasama si Kent John Ilde Banzon (-54kg), Melbourne Johnroyce Jerome Lustado (-58kg) Dex Ian Chavez (-63kg), Legolas Penaredondo (-63kg), Study Jay Gilbuena, Mythaious Angelous Francois Lustado (-55kg), Lhord Jared Patrick Pasaron (-65kg), Nusair Lao (-75kg), Justin Mark Agno (-80kg) at Israel Cantos (-87kg).
Garces (-49kg) at Briones (-62kg) ay sasamahan nina Baby Jessica Canabal (-53kg), Clarence Sarza (-46kg), Rryshel Jasmine Ramirez (-46kg), Tachiana Keizha Mangin (-49kg), Merica Lillyn Chan (-57kg) at Rhiyanne Agatha Shay Cadilena (-46kg).
Iba pang miyembro ng men’s poomsae squad ay sina Rodolfo Reyes Jr., Ian Matthew Corton, King Nash Alcairo, Darius Venerable, Justin Kobe Macario, Jeus Gabriel Derick Yape, at Joaquin Dominic Tuzon.