Advertisers
Pinalaya na nitong Linggo, Hunyo 30 mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang pinakamatandang bilanggo sa bansa.
Kinumpirma ng human rights group Kapatid ang paglaya ng 85-anyos na si Gerardo dela Peña.
Sinundo raw si Dela Peña ng anak nitong si Melchor ng 9:30 ng gabi noong June 30, ayon kay Kapatid spokesperson Fides Lim.
Inaresto si Dela Peña noong March 21, 2013 at nahatulan sa kasong murder sa edad na 75.
Ayon sa Kapatid, nahatulang makulong si Dela Pena sa kabila ng ebidensya ng pagiging inosente nito at pag-amin ng New People’s Army na siyang may kagagawan ng krimen.