Advertisers

Advertisers

Silipin ang lifestyle ng PAGCOR officials

0 25

Advertisers

ISANG kaibigan na may malawak ang kaalaman sa paglalakad ng mga dokumento sa Bureau of Immigration ang nagbulong sa akin hinggil sa mga iligal na POGO sa bansa.

Aniya, kaya dumarami ang iligal na POGO sa ating bansa ay dahil narin sa mga korap na opisyal sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Totoo, aniya, ang ibinunyag ng ilang opisyal ng ni-raid na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga na nagbibigay ito ng buwanang $200,000 sa PAGCOR, nagbayad ng $2 million para sa lisensiya at $200 million na lagay para mabigyan ng lisensiya.



Sabi pa ng source, hindi lang mga opisyal ng PAGCOR ng nakaraang administrasyon ang dapat imbestigahan dito ng Kongreso kundi pati ang kasalukuyang mga opisyal ng ahensiya na namamahala sa POGO. Araguy!!!

Simple lang naman daw para malaman kuing sino-sino ang mga tulisan sa PAGCOR, silipin ang lifestyle ng mga ito. Mismo!

***

Dapat talagang paimbestigahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ibinunyag ni PAGCOR Chairman Al Tengco tungkol sa dating miyembro ng Gabinete ng nakaraang administrasyon na umano’y nagla-lobby para sa mga iligal na POGO.

Nagsalita lang naman kasi itong si Tengco matapos lumapit sa media ang taga-LS99 hinggil sa paglagay nito ng $200 million sa isang PAGCOR official para magkaroon ng lisensiya. May dokumento raw sila ukol dito.



Ang ipinagtataka lang din natin ay kung bakit ayaw imbitahan ng Senado ang taga-LS99 para linawin ang isiniwalat nitong lagay na $200m sa isang mataas na PAGCOR official? Dapat matukoy ang opisyal na ito, aktibo ba ito o wala na sa ahensiya? Mismo!

At dapat malaman kung may resibo ba ang $200,000 na ibinibigay kada buwan ng LS99 sa PAGCOR. Dapat!

Ano kaya kung pagharapin nalang sa imbestigasyon ng Senado sina Tengco at taga-LS99?

Senator Risa Hontiveros, tirahin n’yo na!

***

Napakatalamak na ng oil smuggling sa bansa partikular sa mga pier ng Batangas, Navotas at Bataan.

Bilyones na buwis ang nawawala sa gobyerno sa oil smuggling na ito, President BBM.

Sa talamak na oil smuggling, tiyak may mga opisyal ng law enforcements ang kumakamal dito mula sa Bureau of Customs, National Bureau of Investigation at Philippine National Police.

Isa sa pinakasikat na oil smuggler sa Batangas ang DDS na “Dondon Alahas”. Buong CALABARZON ang operasyon nito.

Pati nga raw ang mga nahaharang o naha-hijack na tanker ng langis sa Batangas at Laguna, si Dondon Alahas ang nasa likod!

Minsan nang nabanggit ang pangalan ni Dondon Alahas sa imbestigasyon ng Senado sa oil smuggling last year.

Pero biglang natigil ang pag-iimbestiga ni Senador Raffy Tulfo ukol dito. Nagkaayusan yata?

Talagang matindi itong si Dondon Alahas, sabi ng source, mga aktibo at retiradong pulis ang nagsisilbing bodyguards niya. Ayaw ni PNP Chief, Gen. Francisco Marbil, ng ganito.

Tuldukan!