Advertisers
ANO ang kaibahan ni Senator Bong Go kumpara sa iba?
Si SBG ay hindi nagmula sa angkan ng mga trapo( tradisyunal na politiko)kaya ang kanyang paglilingkod sa kababayan ay taos at walang kaplastikan.
Mula day one ng kanyang pagiging Senador ay nagsimula na rin siyang magserbisyo bilang pagtupad ng kanyang plataporma noong siya ay nangangampanya di tulad ng ibang halal ng bayan na naghanimun muna at nag-enjoy sa ibang lupain dahil sa pagod ng pamboboladas sa botante, nahalal na kaya pakialam pa nila.
Tunay na bisyo ni Go ang magserbisyo at workaholic na lingkod-bayan 24/7.
Habang walang ginawa ang ibang Senador kundi mag-imbestiga in aid of legislation daw, si Go ay maraming naisabatas na panukala para sa kapakanan ng masa partikular sa kanyang pagmamalasakit sa kalusugan ng publiko at sa larangan ng palakasan.
Iyong iba wala pa ang pokus nilang mag-reachout sa bumoto sa kanila dahil malayo pa ang halalan para muling makipagplastikan.
Noon ay walang mapuntahan ang mga mahihirap na may sakit dahil dedma lang sila sa ospital lalo iyong mga pobreng walang ibabayad para agarang asikasuhin pero mula nang maitatag na ang MALASAKIT center ni SBG ay nagkaroon na ng sandigan ang ating kababayang hikahos sa pera at nangangamba sa kanilang kalusugan.
Kapag recess ang lehislatura, kung saan- saang bansa nagliliwaliw ang mga hangal na nahalal dahil sa name recall habang si Senator Go ay sinasamantala ang bakasyon upang galugarin ang buong nasyon para makaabot sng kanyang tulong na pang-matagalan niyang misyon.
Dapat nga sy petik-petiks na lang si Go dahil napakataas ng kanyang rating sa tao na siguradong bibigyan siya na preskong mandato pero sadyang workaholic kaya no dull moment siya sa trabaho.
Si SBG na isang taal na sportsman mula noong kanyang kabataan bilang basketball varsity player sa kanyang alma mater sa Davao, ang instrumental sa pagkilala sa tagumpay na naiaalay sa bansa ng ating mga pambansang atleta , naisabatas ang incentive act law, suportang moral at pinansyal sa mga nakipaglaban para sa karangalan ng Pilipinas at ang pinakatampok ay ang pagkatatag ng National Academy of Sports sa Tarlac para sa mga student athletes ng bansa.
Iyan si SBG,anumang panahon, me eleksyon man o wala..lingkod pa more, go ,go, GO Sen.Bong Go!!!