Advertisers
ARESTADO ang dalawang Vietnamese national matapos matagpuan ng mga pulis mula sa kanilang pag-iingat ang droga at baril habang nasa isang bar na matatagpuan sa kahabaan ng Roxas Blvd, Barangay 76, Zone 10, sa Pasay City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Van, lalaki, 26 years old (Violation of 10591, Light Threat) at alyas Hoang, lalaki, 23 years old (Violation of RA 9165, Light Threat) Sila ay inireklamo ng kanilang kababayan na alyas Truong ,26,lalaki.
Ayon sa ulat, nagsasagawa ng monitoring ang mga operatiba ng Station Intelligence Section at anim na iba pa sa mga KTV bar kaugnay ng ulat ng mga protective agent na nagdadala ng kanilang mga baril ang dalawang suspek sa loob ng mga bar at club .
Ito ay matapos humingi ng tulong si Truong sa mga operatiba kung saan ay nagbanta ang mga suspek sa pamamagitan ng pagpapakita ng baril.
Dahil dito, rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkarekober ng isang unit ng Colt Combat Commander caliber. 45 pistol na may serial number na may magazine na kargado ng tatlong live ammunition mula sa suspek na si Van (No LTOPF at PTC), at isang maliit na self-sealing sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, na tumitimbang ng 1.5 gramo na may halagang SDP na ? 10, 200.00 mula sa suspek na si Hoang.
Itinurn-over ang mga suspek sa Pasay Headquarters para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang reklamo. (JOJO SADIWA)