Brgy. officials hinimok ni Mayor Honey na dumalo sa seminar sa guidelines ng release ng social pension
Advertisers
HINIMOK ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng kinauukulang barangay officials sa lungsod n dumalo sa seminar para sa guidelines ng social pension release.
Sa isang memorandum, sinabi ni Lacuna na lahat ng punong barangay at treasurers ay kailangang um-attend ng seminars na itinakda para sa nasabing layunin.
Ang nasabing seminars ay napag-alamang gagawin ng city government kasama ang Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR).
Ayon pa kay Lacuna, tatalakayin sa seminar ang mga proseso sa release ng undertaking, cash-out, pay-out at liquidation ng social pension sa ilalim ng DSWD-NCR na sumasakop sa buwan ng January hanggang July 2024.
Ang mga sumusunod ay ang mga schedules para sa seminars: Districts 1, 2, 3 – July 11, 2024 (Thursday), 9 a.m. to 12 pm; Districts 4, 5, 6- July 11, 2024 (Thursday), 1 p.m. to 4 p.m. Parehong gagawin ang seminar sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila
Ang mga barangay na walang social pensioners ay hindi na kailangan na pumunta sa itinakdang seminars. (ANDI GARCIA)