“I still keep my options open” – Jay Dela Fuente
Advertisers
TATLONG buwan na lang at opisyal ng magsisimula ang election season. Buwan ng Oktubre ang simula ng pagpa-file ng kandidatura ng sinumang nagnanais na tumakbo sa pagka-konsehal ng lungsod, bise alkalde, alkalde, konggresista at senador.
Sa Maynila na siyang kabisera ng bansa ay maraming mga konsehal ang magtatapos ng kanilang termino kung kaya tiyak na marami ang magsasamantalang tumakbo dahil sa mga iiwang espasyo ng ga-graduate na mga konsehal.
Isa na sa sinasabing puwedeng maging konsehal sa Distrito Dos ay walang iba kundi ang dating Manila Department of Social Welfare chief noong panahon ng yumaong si Mayor Alfredo Lim na si Jay Dela Fuente.
Ayon sa mga nakakakilala kay Dela Fuente, ito ay napakahusay na magtrabaho lalo na sa MDSW kung saan kilalang-kilala
ito sa kanyang mga programa noon tulad ng pagbibigay kaalaman o edukasyon/livelihood sa mga kababayan nating nasa laylayan ng lipunan.
Maging ang US Embassy ay kinilala ang ginawa ng kanyang departamento nang isalba niya ang isang ginang na US Citizen na ikinukulong ng kanyang Pinoy na asawa sa isang bahay sa Obrero.
Nang mailigtas na nga ang ginang na American citizen ay pansamantalang kinupkop ito ni Dela Fuente pati na ang dalawang anak nito sa Boystown sa Marikina na tumagal din halos ng buwan.
Dahil dito ay kinilala at pinarangalan si Dela Fuente ng Embahada ng Amerika at ito rin ang dahilan kung bakit taon-taon sa pagdiriwang ng US Independence Day ay kabilang ang dating MDSW chief sa naaanyayahan sa pinakamahalagang okasyon na ito sa Amerika.
Handa na nga bang muling sumabak si Jay Dela Fuente sa pulitika?
“I still keep my options open.” Bungad ni Dela Fuente.
“Pero kuntento na ako sa buhay ko ngayon. Nakapagsilbi na rin naman tayo ng mahaba-habang panahon sa Manila Department of Social Welfare at marami na rin naman siguro tayong natulungan, ” dagdag pa ni Dela Fuenta.
Nilinaw din ni Dela Fuente na walang kumakausap sa kanya para tumakbo o sumapi sa kanilang partido.
“Yan mga ganyang desisyon pinag-aaralan ng mabuti yan. Tsaka kung tatakbo ako sa ibang partido, hindi po totoo yan. Malaki ang respeto ko kay Mayor Honey at Isko,” pahayag pa ni Dela Fuente.
Samantala ay tuwang-tuwa naman na ibinida ni Dela Fuente na nagkasama sila ng Manila Lady Mayor sa US Embassy sa selebrasyon ng US Independence Day.
“Tuwang-tuwa ako kasi kasama ko si Mayor Honey. Nung Nakita ko siya nga siya medyo kinakabahan pa ako pero nilakasan ko na loob ko na para akong fan at binati ko siya at kaagad din naman nya akong nginitian at binati. Tapos sabi ko, Mayor selfie pi tayo. Ewan ko siguro dahil excited ako kasama ko si Mayora hindi ko napansin yung phone ko naka-video pala at si mayora Honey pa ang nakapuna,” kwento pa ni Dela Fuente.