Advertisers
HUMANDA na sa pinakamadugong laban para sa pag-ibig sa 2024 New York Festivals TV & Film Awards Bronze Medalist “Black Rider.”
Habang walang kamalay-malay na namumuhay si Vanessa (Yassi Pressman) sa kamay ng mga kaaway, gagawin ni Elias (Ruru Madrid) ang lahat para mailigtas ang dilag. Ngunit hindi ito magiging madali dahil si Calvin (Jon Lucas) ay tuluyan nang nahuhulog sa kumunoy ng bagong pag-ibig. Eeksena pa ang hired Korean assassin na si Adrian (Kim Ji Soo).
Sa laban para sa puso, sino ang mananaig? Ano ang kaya nilang gawin para hindi ma-checkmate?
Dapat ding abangan ng viewers ang mga susunod na engkwentro nina Moises (Jak Roberto) at Nimfa (Angeli Khang), at kung saan ito patungo. Andyan pa rin siyempre ang makulay na pag-iibigan nina Oka (Empoy Marquez) at Pretty (Herlene Budol) na hindi dapat palagpasin sa mga susunod na episodes.
Lahat ng iyan at marami pang iba ang dapat pakaabangan sa award-winning series na “Black Rider,” 8 PM sa GMA Prime, with simulcast sa Pinoy Hits at livestreamed via Kapuso Stream at GMA Public Affairs’ YouTube at Facebook accounts. Mayroon ding delayed telecast sa GTV ng 9:40 PM. Mapapanood naman ito ng Global Pinoys sa GMA Pinoy TV.
***
Kylie Padilla papasok sa “Asawa Ng Asawa Ko?!”
TALAGANG naadik na ang viewers sa bisyo ng bayan gabi-gabi, ang hit GMA Prime series na “Asawa Ng Asawa Ko.”
Nangunguna pa rin sa ratings game ng block nito ang nasabing serye. Talagang kuhang-kuha ang gigil ng manonood lalo’t mas tumitindi pa ang bardagulan nina Cristy (Jasmine Curtis-Smith) at Shaira (Liezel Lopez).
Pero sa pagsapit ng 100th episode ng “Asawa Ng Asawa Ko” nitong July 8, isang panibagong karakter ang dapat abangan. Base sa teaser poster na inilabas ng GMA Network, hinuhulaan ng netizens na si Kapuso actress Kylie Padilla ang bagong papasok sa serye.