Advertisers

Advertisers

P10m pabuya sa makapagtuturo kay Quiboloy et al…

0 21

Advertisers

ALAM n’yo ba kung saan nagtatago ang impostor na anak ng Diyos? At gusto n’yo maging instant milyonaro? Inguso n’yo siya, ngayon na!!!

Sinabi ni Secretary Benhur Abalos ng Department of Interior and Local Government (DILG) na may naglatag ng tumataginting na P10 million sa makapagtuturo at ikadarakip ni Pastor Apollo Quiboloy, ang nagproklama sa sarili na anak ng Diyos at siyang may hawak ng susi para makapunta kuno ang tao sa langit.

Magbibigay din ng tig-P1 milyon sa limang kapwa akusado ni Quiboloy sa mga kasong ‘Rape, Child abuse and exploitation, at Qualified human trafficking’, mga kasong walang piyansa.



Ang limang co-accused ni Quiboloy ay sina Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, Jackielyn Roy, at Sylvia Semanes.

Ang mga ito’y may mga arrest warrant mula sa Davao City Regional Trial Court at Pasig City RTC.

Ang kaso sa Davao RTC ay inilipat sa Quezon City RTC para sa seguridad ng mga complainant at maiwasan ang haka-hakang maluluto ang mga kaso.

Bukod sa mga kasong nabanggit, may arrest warrant din si Quiboloy mula sa Kongreso, sa hindi niya pagsipot sa mga pagdinig ng Kamara (House of Representatives) at Senado.

Maliban dito, si Quiboloy ay nasa wanted list din ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa maraming kasong kriminal na walang mga piyansa.



Ayon sa Philippine National Police, hindi pa nakalalabas ng Pilipinas si Quiboloy. Pinaniniwalaang ito’y nagtatago o itinatago lang ng malaking politiko sa Mindanao.

Isa sa mga pinagdududahang nagtatago o nagpoproteka kay Quiboloy at sa lima pang akusado ay si dating Pangulo Rody Duterte.

Sina Quiboloy at Duterte ay nakitang magkasama sa isang restortan sa Davao City ilang araw bago lumabas ang mga arrest warrant ng una.

Si Duterte ang itinalagang administrator ni Quiboloy para sa kanyang mga ari-arian. Dating presidential spiritual adviser ni Duterte ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at may-ari ng SMNI (Sonshine Media Network International).

Sa mithiin ng PNP na maipatupad ang arrest warrant laban kina Quiboloy, pinalitan lahat ng hepe at deputy ng pulisya sa Davao City.

Pinag-aaralan narin ng PNP na kasuhan si Duterte ng ‘Obstruction of justice’ matapos nitong ipangalandakan na alam niya kung saan nagtatago si Quiboloy pero ito aniya ay mananatiling sekreto.

Say ni PNP Chief, General Rommel Marbil, ang pahayag ni Duterte ay isang obstruction of justice. Hindi aniya puwedeng itago ang katulad ni Quiboloy na nahaharap sa mga kasong walang piyansa.

Si Duterte ay isang abogado. Ang abogado ay protektado ng batas para sa pagtago at seguridad ng kanyang kliyente. Pero matagal nang hindi nagpapraktis ng law si Duterte.

Say n’yo, Justice Sec. Boying Remulla?