Advertisers

Advertisers

Kolehiyala hinoldap na, sinaksak pa ng 3 holdaper sa UP Campus

0 25

Advertisers

Sugatan ang isang kolehiyala nang saksakin ng isa sa tatlong holdaper nang magsisigaw ng tulong sa loob ng UP Campus sa Diliman, Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 8:17 ng gabi (July 8), nang maganap ang insidente sa loob ng UP Campus sa harapan ng College of Electrical Engineering na matatagpuan sa Valenzuela St., Brgy. UP Campus Dliman sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PSSG Paolo Louix Castillo, naglalakad ang biktima nang sumulpot ang tatlong lalaki at nagpahayag ng holdap.

“Wag kang gumalaw holdap ‘to!, pahayag ng mga suspek, pero nagsisigaw sumigaw ang biktima ng “Tulong” tulong!” dahilan upang saksakin ito ng mga holdaper.

Nang makitang duguan ang biktima ay agad na hinablot ng mga holdaper ang bag nito na naglalaman ng Samsung celllphone, wallet, ID, ATM, P500 cash na nagkakahalaga lahat ng P20,000 sa tumakas patungo sa CP Garcia.

Agad isinugod ng mga nakasaksaki sa insidente sa Diliman Doctors Hospital ang biktima kung saan ito patuloy na inoobserbahan.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Kaugnay nito, inihayag ng UP administration na magpapakalat sila ng mga karagdagang security personnel sa loob ng campus.

Pinapayuhan naman ng UP Diliman administration ang publiko na manitiling mapagmatiyag at agad na ireport sa mga awtoridad kung may mga kahina-hinalang mga indibidwal sa paligid ng campus. (Almar Danguilan)