Advertisers

Advertisers

Wanted na teroristang Indian arestado sa Bacolod – BI

0 21

Advertisers

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa isang Indian-Nepalese national na ayon sa mga awtoridad sa New Delhi ay isang ranking leader ng separatist terror group at wanted na kriminal sa India.

Kinumpirma ni BI Commissioner Norman Tansingco na si Joginder Geong, 41, ay naaresto noong Lunes sa kanyang tinitirhan sa Barangay Taculing, Bacolod City, Negros Occidental ng mga operatiba mula sa Bureau of Immigration Fugitive Search Unit (FSU) sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy.

Si Geong ay kilalang gumagamit ng maraming alias kabilang na ang Joginder Geyong at Kanta Gupta.



Sinabi ni Tansingco na naglabas siya ng mission order para sa pag-aresto kay Geong sa kahilingan na rin Indian government na nag-imporma sa BI tungkol sa umanoy kaugnayan nito sa mga criminal activities at terorismo sa kanilang bansa.

“Indian authorities have described him as a notorious criminal with a history of serious offenses including murder, extortion, and robbery,” saad ng BI chief.

Sinabi pa nito na si Geong ay hinihinalang pinuno ng isang organized crime syndicate, at nahatulan ng life imprisonment dahil sa firearms possession cases sa India.

Si Geong ay pinaniniwalaan ding may ugnayan sa Khalistani terror group na naglunsad ng armed separatist rebellion na layunin na magtatag ng independent Sikh state sa Punjab province, India, sabi pa ni Tansingco.

“He will be deported for being an undesirable, undocumented, and illegally staying alien whose presence here amounts to a blatant violation of our immigration laws,” dagdag pa nito.



Samantala, sinabi ni Sy na si Geong ay nakakulong ngayon sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang deportation nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)