Advertisers

Advertisers

BAGONG TRANSIT LOUNGE SA NAIA, MALAKING PAKINABANG SA MGA PASAHERO; HACKERS TIMBOG SA NBI

0 12

Advertisers

Magandang balita para sa mga air passengers ang ginawa nina Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Eric Ines at Philippine Airlines (PAL) president and chief operating ofificer (COO) Capt. Stanley Ng na pagbubukas ng isang bagong Transit Lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Tiniyak pa ni GM Ines na ang nasabing lounge, na matatagpuan sa pre-departure area ng NAIA 1 katapat ng OFW Lounge, ay magiging bukas 24 oras araw-araw para bigyan ng komportable at nakaka-relax na tambayan ang mga pasaherong may connecting flights, para sa maginhawang paglalakbay.

Nabuo ang pagkakaroon ng ganitong lounge sa pamamagitan ng isang partnership agreement sa pagitan ng MIAA at PAL.



Sa ilalim ng kasunduan, ang naturang lounge ay ima-mantina or pangangalagaan ng MIAA, habang ang PAL naman ang siyang bahala sa mga amenities gaya ng komportableng mga upuan, charging stations, shower facilities at amusement options.

“We trust that travelers will find the facility as a welcome respite while enroute to their final destinations,” pahayag ni Ines.

Sa kanyang banda, sinabi naman ni Ng na: “Our working partnership with the MIAA on this much-needed project has yielded positive results. This transit lounge ensures the comfort and convenience of passengers traveling through the Manila gateway”

“PAL always advocates collaboration with industry partners. Together, we can do things better,” idinagdag pa ni Ng.

Kapuri-puri ang proyektong ito na para sa kapakinabangan ng mga manlalakbay na siyang bumubuhay sa aviation industry.



***

Congratulations kay NBI Director Jaime Santiago, sa pagkakaaresto ng NBI– Cybercrime Division (NBI-CCD) sa apat na hackers na miyembro ng ‘Blood Security Hackers’ na sangkot daw sa pag- hack ng website ng Commission on Election (Comelec) at Sky Cable.

Nahuli sa isang entrapment operation nitong Hulyo 9, 2024 sa Tagaytay City, Cavite ang apat na suspek na sina Eden Glenn Petilo, Carlo Reyna, John Kenneth Macarampat at Leonel Obina, batay sa impormasyong nakalap ng NBI ukol sa “unauthorized breaches” ng mga government websites.

Partikular na tinukoy ang grupong responsable sa mga cyber intrusion ng Comelec at Sky Cable Data .

Matapos na ang NBI-CCD ay nagsagawa ng surveillance operation, nakipag-transaksiyon ang isang ahente para umano bilhin ang data breach ng Sky Cable na naglalaman ng impormasyon ng mga subscriber at sa nasabing petsa ay ikinasa ng mga operatiba ng NBI-CCD ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na hackers na sinampahan na ng mga kaukulang kaso.

Mabuti at nahuli kaagad ang mga ito. Nakakatakot na pati website ng Comelec ay kaya nilang pakialaman lalo pa’t nalalapit na ang eleksyon.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.