Advertisers
IBINIDA ni Ariel Ayala, isang broadcast journalist, sa regular na huntahan ng mamamahayag matapos ang Saturday News Forum na nawawala ang depositors’ base ng mga bangko. Dahilan: ang mabilis na pagsigla ng mga transakyon sa ilalim ng G-Cash at Pay Maya. Isama ang mga remitttance center tulad ng Cebuana, Palawan, Pera Padala, at iba pa.
Wala katwiran upang magbukas ng account sa bangko ang mga mamamayan. Walang matwid upang deposito ang nakaipon sa isang bangko na karaniwang walang kaluluwa at pakialam sa mga customer. Maraming requirement upang magbukas ng account. Maraming pinipirmahan ang isang depositor.
Ngunit maliit ang pakinabang kung ilalagak ang salapi sa bangko. Kakapiranggot ang interes sa mga deposito. Bukod diyan, kinakaltas ang P300 kada buwan kapag bumaba sa itinakdang maintaining balance na P3,000. Pagnanakaw ang pakay ng mga bangko sa pagbabawas. Marapat lang magpasa ng batas ang Kongreso na gagawing krimen ang automatic deduction sa deposito ng mga customer.
Hindi kami nagtataka sa pakli ni Ariel tungkol sa pagsibol ng G-Cash at Pay Maya. Dumating na sa punto na walang pakinabang sa mga bangko. Hindi sila mahalaga sa pang araw-araw na takbo ng buhay. Hindi sila kailangan ng mga mamamayan.
Kailangan ayusin ng mga bangko ang kanilang public image. Bukod diyan, wala rin silbi ang electronic banking na ipinakilala ng mga bangko. Gumugulo lang ang buhay ng maraming depositor. Maraming scam na nangyari sa ginawa ng electronic banking. Ninanakaw ang deposito ng maraming depositor.
***
MATAGAL nang umaalingasaw na si Herminio Roque Jr. ang fixer ng mga POGO sa bansa. Siya ang lumalakad ng mga papeles ng mga POGO upang magkaroon ng operasyon sa Filipinas. Siya ang “legal counsel” ng mga kompanyang POGO na karamihan ay hindi lisensiyado at ilegal sa bansa. Panahon pa ni Gongdi, si Harry Roque na ang fixer nila.
Hindi bago ang isiniwalat ni Al Tengco, Pagcor chair at CEO sa Senado. Kalat na kalat iyan sa buong bansa. Ang hindi lang napigilan ay ang katakawan ni Harry Roque sa pera at poder. Ang buong akala niya si Gongdi pa rin ang nakaluklok sa poder at magagawa niya ang bawat nais. Nakalimutan niya na wala na sa poder si Gongdi.
Wasak ang pangalan ni Roque. Hindi namin alam kung paano niya marekober ang kanyang pangalan na nawalan ng ningning. Masyadong matulis ang pagbulusok pababa ng kanyang pangalan. Mula human rights lawyer, naging fixer na lang sa mga POGO. Sabi ng isang netizen: Mahilig si Harry sa POGO at Pogi. Wala kaming sinabi.
***
Matatapos na ang linggo at hanggang ngayon walang inilalabas na pastoral letter ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tungkol sa pagsakop at pangangamkam ng teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “MAHIRAP magpanggap na may angkin na dunong at kakayahan. Kung wala, pinakamabuti ang tumahimik at itikom ang bibig.” – PL, netizen, kritiko
***
“The claim made by the People’s Republic of China that they have permitted a medical evacuation for a sick navy personnel, in order to present themselves as humanitarian while asserting their authority to allow such operation to be carried out in the Philippines’ Exclusive Economic Zone, is ridiculous. This statement further confirms their illegal deployment of vessels within our EEZ and highlights their government’s view that the preservation of human life and welfare requires approval. Evidently, the deployment of numerous boats to delay the medical evacuation for hours just shows that they have a low regard for a humanitarian mission.“ – Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea
***
MAY mensahe si Sen. Risa Hontiveros sa isyu ni Alice Guo sa Senate public hearing:
Ang Filipino citizenship ay hindi parang kendi na ipinamimigay. Filipino citizenship is not for sale.
At kung ginamit mo pa ang pekeng pagka-Pilipino mo para tumakbo sa anumang pwesto, kung ginamit mo ito para tumulong magpalaganap ng krimen gaya ng money laundering, human trafficking, o magtrabaho kontra sa pambansang seguridad, dekada man ang lumipas, dadating ang araw ng pagtutuos.
You took advantage of our brittle regulatory system. Our system may be brittle, but it is not broken. Sisingilin ka. Sinisingil ng sambayanan si Mayor Guo. There are many questions yet unanswered.
Sino si Miss Alice Leal Guo, tubong Tarlac, na pinanganak sa parehong araw ng kapanganakan ni Mayor Alice Leal Guo? Nasaan na siya?
Ano ang dahilan bakit ipinuslit si Guo Hua Ping dito? At sino ang mastermind? Yung kanyang Tatay nga kaya na ayon sa pananaliksik ay ‘di umanong involved sa United Front activities ng Communist Party of China?
Saan siya humugot ng lakas ng loob na tumakbong Mayor? O ito na ba ang plano mula sa simula?
Is she working with Chinese triad? With the Chinese government? Or both? Sabi nila hindi daw pwede both, pero ito nga nakita natin sa isang article sa Washington Post, the Communist Party of China has a history of using criminal syndicate families when it suits them.
But the question we want to answer here today, and perhaps the question we are capable of answering: Who are enabling her and these POGOs? Are there protectors within our government? Bakit tayo umabot sa ganito?
***
Email:bootsfra@gmail.com