Advertisers
NAKAPOKUS na nang husto physically at mentally ang isa sa pinakamalakas na medal potential ng bansa sa Paris Olympics na si ERNEST JOHN “EJ” OBIENA ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino matapos ang kaniyang komunikasyon sa ating world No. 2 men’s pole vaulter kamakalawa.
“EJ is doing well and is very focused, despite missing on a medal in the Diamond League in Paris,” wika ni Tolentino, na sineguro kay EJ na ang kanyang mga magulang —Emerson, himself a former national pole vaulter, and Jeanette—will be in Paris to cheer and support their son.
“The elder Obienas, are managing their son’s logistical needs for the Olympics to keep him focused on the games.
After the Diamond League, EJ and his team will remain in France and no longer return to their base in Formia [Italy],” ayon pa sa alkalde ng Tagaytay na si Tolentino.
Hindi aniya praktical para sa Team Obiena na magbiyahe pa dahil ang men’s pole vault competitions sa Paris ay nakatakda sa August 3 para sa qualification at August 5 para sa finals na sasaksihan ng mundo sa 81,000-seat Stade de France.
Si Obiena at ang kanyang team sa pangunguna ng pamosong Ukranian coach na si Vitaly Petrov—ay magsasagawa ng kanilang preps at fine-tuning sa Normandy Sports Centre na two-hour drive mula Paris.
Sineguro ni Tolentino kay Obiena na magpapadala siya ng tauhan mula POC secretariat sa Normandy upang matiyak na ang ating Asian champion ay makukuha ang kaukulang kalinga para sa kanyang pre-Olympics training.
Kasama ni Obiena sa Team Philippines sa Paris sina weightlifters Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza and Elreen Ando; boxers Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Carlo Paalam, Nesthy Petecio and Eumir Felix Marcial; rower Joanie Delgaco; fencer Samantha Catantan; gymnasts Carlos Yulo, Emma Malabuyo, Aleah Finnegan and Levi Ruivivar; swimmers Kayla Sanchez and Harold Hatch; judoka Kiyomi Watanabe; golfers Bianca Pagdanganan and Dottie Ardina; and hurdlers Lauren Hoffman and John Cabang Tolentino.Bring home the BACON!
LOWCÙT: Welcome back sa Manila kabsat JR Vallejo ang BUSY-BISE to be para sa mga kaili niya sa Jones, Isabela. Hello VALLEJONES!
PUGAY kay Global Sikaran Federation ( GSF) general secretary Master Crisanto Cuevas na dumating sa Tanay from California ,USA upang palawigin pa ang larangan ng SIKARAN na orihinal na sumikad sa Rizal at asikasuhing personal ang mga planong aktibidades ng kanyang GSF Raven Sikaran sa Tanay at personal na pasalamatan ang mga LGU icons na TANJUATCOS sa Rizal Prov. at bayan niyang Tanay.
Ang GSF ay itinatag ng maalamat na si GM Hari Osias Catolos Banaag.
Malapit na ang Cebu City traditional martial arts SIKARAN Festival(July24)… ABANGAN!