Advertisers
Arestado ang dalawang lalaki at nasabat ang tinatayang nasa P10.2 milyon na halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Quiapo, Maynila nitong Miyerkoles ng hapon.
Sa ikinasang operasyon, naaresto sina alayas Jojo at alyas Nacer Datu Jaber na pawang mga residente sa Barangay 387, sa Quiapo.
Nakuha sa mga suspek ang 1 kilo ng heat-sealed plastic na may lamang white crystalline substance na ilegal na droga at may standard drug price na P6.8 million; 13 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na tinatayang nasa 500 grams at may standard drug price na P3.4 million; 9mm browning pistol; Cal .45 Colt Commander; 3 magazine; magazine assembly ng Cal. 45 pistol; inside holster; mga cellphone; keypad phone; mini weighing scale; at mga mini burner.
Dinala na ang mga naarestong suspek sa Philippine National Police Drug Enforcement Group Special Operations Unit-National Capital Region sa Camp Bagong Diwa,Taguig City.
Nahaharap sila sa reklamong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Itu-turnover naman sa Forensic Group sa Camp Crame sa Quezon City ang mga nakumpiskang ebidensya para sa laboratory examination.(Jocelyn Domenden)