Advertisers
Ni Archie Liao
MASAYA si Itan Rosales dahil nagbubunga na ang ilang taong pagpupursige niya sa showbiz.
Sunud-sunod ang mga ginagawa niyang pelikula tulad ng “Hiraya”, “Kaskasero” at “Uhaw.”
“Siyempre nagpapasalamat po ako sa Panginoon for the opportunity. Thankful din po ako sa aking manager na si Tita Len (Carillo) dahil kung di dahil sa kanya, wala po ako rito,” bulalas niya.
Hirit pa niya, desidido raw siyang gumawa ng pangalan bilang isang magaling na aktor.
“Ako naman po, ginagawa ko lang ang trabaho ko. Marami pa po akong gustong matutunan sa craft ko po,” aniya.
Idol daw niya sina Piolo Pascual at Gerald Anderson.
Katunayan, namangha raw siya sa galing ni Piolo sa Mallari kung saan ginampanan nito ang multiple characters.
“Napanood ko po siya sa “Mallari” at sobra po akong bumilib sa galing niya na gumanap sa apat na karakter. Iyong isa nga pong karakter ang hirap na,” sey niya.
Pagdating daw naman sa idolo niyang si Gerald, nagmarka raw para sa kanya ang pagganap nito noon bilang Budoy sa isang serye.
“Bata pa lang po ako, pinapanood ko na po siya at nakita ko po iyong growth niya,” deklara niya.
Dagdag pa niya, pantasya rin raw niyang makatrabaho si Andrea Brillantes.
“Crush ko po kasi siya,” pakli niya.
Ayaw naming isipin na siya ang grinu-groom ng 3:16:Talent Management na isunod sa yapak ni Sean de Guzman.
“Hindi naman po sa pinapalitan dahil may sarili naman po akong pangalan. Ang layo naman po ng Sean de Guzman sa Itan Rosales,” mapagkumbaba niyang pahayag.
Sa pelikulang ” Hiraya” ay ginagampanan ni Itan ang papel ni Rommel, anak ng isang barangay captain na nagtangkang pagsamantalahan ang kahinaaan ng isang misteryosang babae na dayo sa kanilang bayan.
Aminado siyang may mga mapangahas na eksena siya sa pelikula kasama sina Rica Gonzales bilang Hiraya at Denise Esteban bilang Andeng na gumaganap bilang kanyang kabit.
Ang Hiraya ay idinirehe ni Sid Pascua at kasalukuyang streaming na sa Vivamax.
Tampok din sa pelikula sina Quinn Carrillo, Panteen Palanca, Tabs Sumulong, Jhai Slvr, JD Aguas, Elmo Elarmo Jr, Aj Oteyza, Nathan Rojas, VJ Vera, Mark Grabador at marami pang iba.