Advertisers

Advertisers

2 patay sa riding in tandem sa Batangas

0 68

Advertisers

Nasawi ang dalawang katao sa magkahiwalay na pamamaril ng mga hindi pa kilalang mga salarin na pawang sakay ng mga hindi naplakahan na motorsiklo sa bayan ng Lobo at San Pascual dito sa lalawigan ng Batangas nitong Lunes July 15, 2024.

Sa ulat, 11:00 ng umaga nang sundan at pagbabarilin ng dalawang salarin ang sinasakyang tricycle na minamaneho ni Oliver Boongaling, 44-anyos, habang pauwi ng kanilang bahay ang biktima na si Lorna Babao, 53-anyos, kasama ang kanyang ina na si Ginang Rosita Babao, 82-anyos sa Barangay Balatbat ng Lobo, Batangas.



Ayon kay Lobo Municipal Police Station Chief Police Major Amadeo P. Estrella III,  pinagbabaril ng tatlong beses ang biktima gamit ang isang kalibre 45 na baril  at nasugatan sa kanyang batok na agad dinala sa Lobo Municipal Hospital subali’t idineklarang dead on arrival ng rumespondeng doktor. 

Sa teport, mayroon ng Persons of Interest ang mga otoridad at tinitingnan na anggulo ang away pamilya.

Patay din ang biktimang si Oliven Ingat, 42-anyos na isang negosyanteng taga bayan ng  Bauan, nang pagbabarilin ng mga salarin na riding in tandem habang lulan ng kanyang Honda Civic na kulay silver 6:00 ng gabi sa kahabaan ng Barangay Poblacion, San Pascual Batangas.

Dead on arrival sa San Antonio Lifecare Hospital ang biktima.

Tinitingnan na anggulo ang pagpapautang at dating trabaho bilang driver ng trak ng mga paihing petrolyo ang biktima.



Kasalukuyang nagsasagawa na ngayon ng follow up at dragnet operation ang mga otoridad.(KOI LAURA)