Advertisers

Advertisers

3 Adik tiklo sa drug den sa Sta. Rosa

0 2

Advertisers

Arestado ng pinagsanib na puwersa nang 191st Military Police Battalion, Armed Forces of the Philippines, Sta. Rosa Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency ang tatlong katao sa isinagawang buy bust operation sa isang drug den sa Purok 1 Brgy. Liwayway sa bayan ng Sta. Rosa.

Kinilala ang mga  nadakip na sina Ricardo Magsilang y Tavora Jr, 43, Drug Den Maintainer; Jose Hengie Tapar y Tahil, 39, kapwa residente ng Brgy. Rajal Sur, Sta. Rosa; at June Feroso y, Gonzales, 23-anyos, ng Brgy. Doña Josefa, Sitio Alorma, Palayan City.



Base sa paunang imbestigasyon una nang nagpanggap na poseur buyer ang isa sa tauhan ng PDEA, na nagresulta  ng pagkakadakip ng mga suspek.

Nasamsam mula sa drug den ang 8 plastic sachets na naglalaman ng 13 gramo ng nagkakahalaga ng 102,000.00 nakumpiska rin sa drug den ang iba’t-ibang drug paraphernalias at buy-bust money.

Samantala paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampang kaso laban sa mga suspek.(Thony D .Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">