Advertisers
Arestado ang mag-asawang drug den operators at anim na iba pa sa isang entrapment operation na nagresulta sa pagkasamsam ng P91,000 na halaga ng shabu sa Barangay Cabaruyan, Libungan, Cotabato noong Biyernes.
Sa pahayag nitong Lunes ni Aileen Lovitos, director ng Philippine Drug Enforcement 12, hindi na pumalag pa sina Rafael Cadungog Batomalaque, misis nitong si Catherine at kasabwat na si Joseph Librea Andresio nang arestuhin ng PDEA-12 agents na kanilang nabentahan ng shabu sa labas lang ng kanilang drug den sa Barangay Cabaruyan.
Limang iba pa na kinilalang sina Ken Escropolo Cadungog, Romelo Nielles Demonteverde, Noel Andrada Bayona, Japhet Diaz Ignacio at Crisanto Lariosa Dialogo, ang inaresto rin ng PDEA-12 agents nang maaktuhang sumisinghot ng shabu sa isang kuwarto sa tahanan ng mga Batomalaque na ginawa nilang drug den na dinadayo ng mga sugapa sa illegal na dorga mula sa iba’t-ibang barangay.
Ayon kay Lovitos, malaki ang naitulong sa kanila ng mga barangay officials ng Cabaruyan at ng local government ng Libungan sa paglatag ng entrapment operation laban sa mag-asawang Batolaque na nagresulta sa kanilang pagkaaresto at sa anim na iba pa, na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.