Advertisers
TINAPIK ng Magnolia si Zavier Lucero habang ang Ginebra kinuha si Ben Adamos — na parehong nagmula sa Northport.
Tinanggap ng Batang Pier si Jio Jalalon at Abu Tratter mula sa Hotshots at Sidney Onwubere mula sa Gin Kings. Habang si Lucero ay mapupunta sa Magnolia.
Ang 6-foot-winger Lucero ay fifth overall pick sa nakaraang draft.
Naglaro lang siya ng 12 games nakaraang season dahil sa mahabang recovery mula sa ACL tear na natamo sa panahon ng kanyang final year sa University of the Philippines.
Lucero, ay may average na 12.1 points,5.4 rebounds,2.0 assists,1.2 steals, at 1,0 blocks per game.
Nakamit rin ng Ginebra ang kanilang kagustuhan na ipamigay si Christian Standhardinger sa Terrafirma nakaraang Sabado, at tinanggap ang 6-foot-7 stretch big man Adamos.
Lumipat si Adamos sa Northport nakaraang Disyembre sa 3-for-1 deal na naghatid kay Robert Bolick sa NLEX.
Ang 28-year-old na produkto ng Perpetual ay naglaro ng eight games nakaraang conference sa Batang Pier.
Gayunpaman, Northport ay hindi uuwi na empty-handed kasama si Jalalon,Tratter. at Onwubere.
Lumustay si Jalalon ng walong taon sa Magnolia, tinulungan ang Hotshots na masungkit ang 2018 Governors Cup title at napabilang sa five-all star nods at Defensive Player of the Year Citation.