Advertisers

Advertisers

BAMBOL SA PH BEST BETS: GOLD PA MORE SA PARIS OLYMPICS ’24

0 6

Advertisers

SA liderato ni Philippine Olympic Committee( POC) president Abraham ‘ Bambol’ Tolentino, nakamit ng Pilipinas ang kauna-unahang gintong medalya sa Olimpiyada( Tokyo Olympics) kortesiya ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz na isang kasaysayan matapos ang halos isang siglong pagsali ng bansa sa pinakamalaking sports spectacle sa daigdig.

Op kors bukod pa ang mga sunud-sunod na tagumpay ng ating mga atleta sa international arena tulad ng SEAGames, Asian Games, World Championships atbp. sa timon ni Cong.Bambol dahil ang karisma niya bilang kanilang ama sa ating Olympic family ay nagreresulta ng medalyang karangalan para sa ating bansa.

Sa kanyang nakaraang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association( PSA) forum noong Martes sa Malate, optimistiko ang kasalukuyang alkalde ng Tagaytay City na magiging mabunga ang kampanya ng Pilipinas sa parating nang Paris Olympics 2024 sa France.



” Definitely wa will deliver.We will surpass Tokyo Olympics,” buong kumpiyansang pahayag ng pinuno ng POC na tiyak namang patungo sa ikatlong termino nito hanggang sa susunod na Olympic year.

Pinangunahan ni lifter Diaz ang historic gold sa nakaraang Tokyo Olympics, naghandog naman ng silver sina boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam habang bronze ang nasaklit ni Eumir Marcial.

Pokus naman ngayon si Bambol sa Paris na malaki ang ekspektasyon para sa bayan sa ating mga modernong bayani ng panahon sa pangunguna nina world’s number 2 pole vaulter EJ Obiena ng athletics at world gymnastics champion Carlos Yulo kabilang din sina John Cabang Tolentino at Lauren Hoffmann ( athletics), Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Eireen Ando ng weightlifting,Aira Villegas, Hergie Bacyadan, Paalam, Petecio at Marcial sa boxing.Joanie Delgaco sa rowing, Samantha Catantan sa fencing,Aleah Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar ( gymnastics),Kayla Sanchez at Harold Hatch ( swimming), Bianca Pagdangan at Dotie Ardina ( golf) at Kiyomi Watanabe ( judo).

Sa kanilang preparasyon, sagana sa suporta , ensayo , motibasyon ang ating mga pambato sa kalinga ni POC pres.Tolentino kung kaya determinado siyang magdedeliver bawat laban each day even on Sunday para sa minamahal na PILIPINAS! Ginto pa more sa Paris Oympics 2024!

Ang Paris Olympics ay sasambulat mula Hulyo 26 hanggang Agosto 10…



ABANGAN!