Advertisers

Advertisers

DICT walisin n’yo ang online gambling!

0 28

Advertisers

DAPAT paluin ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ang Department of Information, Communications and Technology (DICT) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na magtrabaho ang mga ito laban sa napakatalamak nang online gambling sa bansa.

Oo! Dahil sa online gambling na ito ay napakaraming krimen ang nangyayari, pati mga alagad ng batas ay natotong gumawa ng kalokohan dahil sa pagkalulong sa mga iligal na sugal online.

At dahil sa online gambling ay napakalaki ng nawawala sa koleksyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Dahil imbes sa regulated games tataya ay sa iligal na mga online gambling nalululong ang mananaya dahil maaring tumaya kahit sa cellphone via GCash.



Tulad nitong online sabong, na kung tutuusin ay madaling masugpo kung nagtatrabaho lang ang mga otoridad, kaso may “timbre” yata sa law enforcements ito kaya namamayagpag.

Ano na ba ang nangyari sa Executive Order No. 09 ni Pangulong Marcos, na nagbabawal sa lahat ng online gambling partikular online sabong sa bansa.

Sa naturang kautusan, inaatasan ng Punong Ehekutibo ang DICT, PAGCOR at Philippine National Police (PNP) na sugpuin ang lahat ng iligal na sugal online.

Ipinatupad din naman ito ng naturang mga ahensiya, nawala ang mga online gambling. Kaso ilang buwan lang ay bumalik na ang operasyon nito, nagkaroon yata ng maayos na cash-sunduan sa pagitan ng law enforcements at sindikato sa mga iligal na sugal. Aminin!!!

***



Pinaninindigan ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang tinuran na hindi siya dadalo sa 3rd State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. at sinabing “I’m designated survivor”.

Say ni VP Sara, hindi siya nagbibiro sa kanyang mga sinabing ito. At nilinaw niyang ito’y hindi banta sa seguridad ni PBBM.

Nilinaw din ni VP Sara na kaya siya nagbitiw sa Gabinete ni PBBM bilang DepEd Secretary ay dahil sa maramimg rason na dapat nang kalasin, pero pinasinungalingan niyang ang kanyang ginawa ay dahil kay First Lady Liza Marcos.

Aniya pa, mahabang paliwanag ang kanyang naging desisyon, at kailangan ito ng sit-down discussion para magkaliwanagan.

Ito raw ay magkahalong personal at mga kaugnayan sa trabaho.

“Meron personal sa aming dalawa ni President Marcos which stems from yung napag-usapan namin bago ako pumayag na tumakbong Vice President. Meron siyang trabaho, at meron siyang sa bayan,” sabi niya sa mga mamamahayag.

“Hindi siya isang rason lang, nagkabuhol-buhol na siya madaming rason,” dagdag ni VP Sara.

Wala aniyang kinalaman ang pahayag ni First Lady Liza Marcos tungkol sa pagka-badshot sa kanya, matapos tawagin ng kanyang ama, dating Pangulo Rody Duterte, na adik si PBBM.

“Wala naman din kinalaman si First Lady sa trabaho namin ni Pangulong Marcos,” paglilinaw ng Bise Presidente.