Advertisers

Advertisers

Kim waging Outstanding Asian Star; Itan may limitasyon sa pagtatalop

0 16

Advertisers

By Rommel Placente

SIGURADONG matutuwa ang mga KimPau fans dahil si Kim Chiu ay nagwagi bilang Outstanding Asian Star for the Philippines at the SEOUL International Drama Awards 2024 na gaganapin sa Korea.

Hindi lang yan, may panibago na naman siyang nominasyon kasama pa ng ibang Kapamilya stars.



Humakot ng anim na nominasyon ang ABS-CBN at Kapamilya Stars sa gaganaping Content Asia Awards sa September 5.

Best Male Lead in a TV Series: Arjo Atayde (Cattleya Killer)

Best Female Lead in a TV Series: Kim Chiu (Linlang)

Best Supporting Actress in a TV Series: Kaila Estrada (Linlang)

Best Asian Feature Film: A Very Good Girl



Best Original Reality Competition Programme: Sparks Camp

Best Asian Short Form Series: Zoomers

***

INANUNSYO na ng screening committee ng Metro Manila Film Festival ang unang five films na pasok sa MMFF 2024

Narito ang limang pelikula.

1 And the breadwinner is..’

ABS-CBN Films and The IdeaFirst Company

Director: Jun Lana

Starring: Vice Ganda, Eugene Domingo

2 (Suspense Drama)

‘Greenbones’

GMA Pictures

Director: Zig Dulay

Starring: Sofia Pablo, Dennis Trillo

3: (Horror)

‘Strange Frequencies: Haunted Hospital’

Reality MM Studios, Inc.

Director: Kerwin Go

Starring: Jane de Leon, Enrique Gil

4: (Musical)
‘Himala: Isang Musical’

Kapitol Films/Unitel

Director: Pepe Diokno

Starring: Aicelle Santos, Bituin Escalante

5: (Action/Family Drama)

‘The Kingdom’

ATP/Mzet and MQuest

Michael Tuvera
Starring: Vic Sotto and Piolo Pascual

 

NAKAGAWA na rin naman ng gay role si Enchong Dee sa pelikuang Here Comes The Groom, kung saan talagang pinuri ang akting niya rito.

Kaya naman kung may offer sa kanya para sa isang BL (Boy’s Love) project, ay game siyang gawin ito, kung talagang maganda at makaka-inspire sa mga manonood.

Kuwento ng aktor, bago pa man nauso ang mga BL series sa Pilipinas, may naisip na raw siyang tema at konsepto noon para gawing pelikula.

Nai-pitch pa nga raw niya ito sa isang kaibigang executive, ngunit hindi nag-materialize. Sey ni Enchong, baka raw hindi pa iyon ang tamang panahon para gumawa siya ng BL project.

At kung papipiliin sa mga sikat at magagaling na aktor sa bansa para makasama sa proyekto, nabanggit niya ang pangalamn nina Jericho Rosales, Dingdong Dantes, Piolo Pascual at Alden Richards.

***

MASAYA kami para sa alaga ng 3:16 Media Network ni Ma’am Len Carrillo na si Itan Rosales dahil sa ganda ng takbo ng kanyang career. Sunud-sunod ang paggawa niya ng pelikula.

Natapos niyang gawin ang Hiraya mula sa 3:16 Media Network sa direksyon ni Sidney Pascua na palabas na ngayon sa Vivamax, at ang Kaskasero na launching movie niya mula pa rin sa 3:16 Media Network.

And soon ay magsisimula na siyang mag-shoot para sa Uhaw with VMX Queen Angeli Khang and VMX Princess Ataska.

“Sobrang nakakabigla po itong atensyon na ibinibigay po sa akin. Nakaka-pressure din! Pero ginagawa ko lang naman po kung ano ang hinihingi sa akin sa mga projects ko,” sabi ni Itan nang makausap namin after ng show ng grupo nila na VMX V last Saturday sa Viva Cafe.

Maipagmamalaki ni Itan ang Kaskasero dahil aniya, first time lang magkakaroom ng ganitong pelikula sa Vivamax, na mala-Fast & Furious ang dating.

“Etong movie namin na Kaskasero, ngayon lang magkakaroon ng ganitong genre sa Vivamax na parang ang peg ay mala-Fast & Furious, may action po talaga na mapapanood dito, like yung mga car racing.

“Para po akong si Paul Walker dito sa movie. Biro nga nila, dapat mas astig, kaya Paul Runner (at hindi lang Paul Walker) ang dapat na maging peg ko, hahaha!” natatawang sabi pa ng gwapong aktor.

Pagpapatuloy niya,”Ang kapartner ko po rito ay sina Christine Bermas at Angela Morena. Sobrang gaan nila katrabaho, sobrang professional, sobrang bait, and sobrang welcoming nila.”

“Siyempre po may churbabahan dito, sa Vivamax po ito mapapanood, e, hahahaha!” natatawa ulit na sabi ng gwapong aktor nang usisain namin kung may mga maiinit na love scenes ba sa kanilang movie.

Although gumagawa ng mga sexy movies si Itan pero may limitasyon pa rin siya.

“May limitation pa din naman po. Kaya ko naman yung mga daring roles, pero hanggang do’n lang muna na may maiiwan pa din sa imahinasyon ng mga manonood.

“Daring lang po, hindi naman all the way. Saka ‘yun ang role ko, kaya ginawa ko lang naman po. Trabaho lang naman ‘yun at very professional kaming lahat doon,” aniya pa.

Sa lahat ng magandang nangyayari sa kanyang career,siyempre thankful ang gwapo at mahusay na aktor kay Ma’am Len na hindi lang basta manager niya kundi tiyahin niya, sa all-out support nito sa kanyang career.