MPD alamin ang saklaw ng survey: Maynila, pang-lima sa pinaka-peligrosong lungsod sa mundo para sa turista
Advertisers
Tikom muna ang bibig ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa lumabas na survey na nasa rank no.5 na pinakadelikadong lungsod sa mundo para sa turista ang Maynila.
Ayon sa bagong Forbes Advisor report, mula sa 60 international cities, nasa ikalimang puwesto ang Manila habang ang Caracas at Venezuela ang pinadelikadong siyudad para sa mga turista.
Nakalista ang Maynila bilang 5th riskiest city na may total score na 91.49. Sa usapin ng crime risk, pang-siyam ang Maynila sa listahan; pang-lima sa personal security risk; pang-pito sa health security risk; pang-siyam sa infrastructure security risk, at pang-12 sa digital security risk.
Kasama ng Maynila sa listahan ng pinaka-peligrosong lungsod ang Lago, Nigeria (4th); Yangon, Myanmar (3rd); at Karachi, Pakistan (2nd).
Samantala, ang Singapore ang itinuturing safest city, kasama ang Tokyo, Japan (2nd); Toronto, Canada (3rd); Sydney, Australia (4th); at Zurich, Switzerland (5th).
Sinabi ni MPD-Public Information Office (MPD-PIO) Chief Major Philipp Ines, na hindi muna sila maglalabas ng pahayag dahil kailangan muna nilang alamin kung kailan ang saklaw ng nasabing ulat.
“Wala muna kami ilalabas na statements regarding sa quer,” tugon ni Major Ines.
“Aalamin muna namin ano ang parameter at period cover ng survey before kami magbigay ng sagot,” dagdag pa ng PIO chief. (Jocelyn Domenden)