Advertisers

Advertisers

Valenzuela traffic enforcer sinaktan, binunutan ng baril ng 2 Pulis-Maynila

0 71

Advertisers

Sinampahan ng kaso ang dalawang pulis ng Maynila nang saktan, takutin, at bunutan ng baril ang isang traffic enforcer ng Valenzuela noong Hulyo 16.
Kinilala ni PCol. Nixon  M Cayaban, hepe ng Valenzuela City Police Station ang dalawang suspek na sina PSSg Ernesto Camacho at PSSg Robert Cabudoy Jr., pawang nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Delpan Police Station 12, Manila Police District.

At ang biktima kinilalang si Ronaldo David, tauhan ng Valenzuela City Traffic Management Office (TMO).

Kinilala din ang isang pulis ng Maynila na si PCpl James Dale Dela Peña, kasama ng dalawang suspek at nagsilbing testigo laban sa kanyang kasamahan.



Ayon kay PCpt Robin Santos, hepe ng Polo substation-5, dakong 4:30 ng umaga, Hulyo 14 nang binabaybay ni David ang M.H. Del Pilar St., Barangay Mabolo, Valenzuela City sakay ng kanyang motorsiklo galing sa trabaho at nakasabayan ni David ang tatlong pulis na pawang mga nakamotorsiklo at magkaangkas ang dalawang suspek samantalang nag-iisa naman si Dela Peña.

Napansin ni David na walang mga suot na helmet at nakatsinelas sina Camacho at Cabudoy na isang paglabag sa ordinansa ng lungsod ng Valenzuela.
Nang mapansin nang dalawa na tinitignan sila ni David, binabaan ito pagdating sa Hernandez St., Barangay Mabolo, inilabas ni Camacho ang kanyang baril na nakasuksok sa baywang at inihampas sa kanyang sikmura na kaagad niyang ikinabagsak.

Bumunot din aniya ng baril si Cabudoy sabay sabing, “Gusto mo patayin na kita dito eh”.

At umalis na ang dalawang suspek patungo sa direksiyon ng Barangay Malanday at itinayo ni Dela Peña ang biktima at pinaalis na ito.

Nakipag-ugnayan si Punong Barangay Dhang Lee sa pulisya, Hulyo 15 nang mapag-alaman ang pangyayari,
Sa ‘follow-up operation’ na isinagawa ng Valenzuela Detective Management Unit (DMU) at substation-5, natunton nila sa pamamagitan ng ‘backtracking’ ng mga CCTV sa lugar ang mga dinaanan ng tatlong pulis hanggang sa matunton ang pinagparadahan ng motosiklo ni Dela Peña sa Barangay Lingunan.



Nakuha nila ang mga pagkakakilanlan ng dalawang suspek dahil sa pakikipagtulungan sa kanila ni Dela Peña nang kanilang kapanayamin.

Naisampa ang mga kasong grave threats at physical injuries laban kina Camacho at Cabudoy sa tulong na din ni kabaro nito.

Hindi din natinag si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian at ipinatawag ang biktima upang mabigyan ng hustisya ang ginawa sa kanya.(Beth Samson)