Advertisers

Advertisers

BIKTIMA NG KAPABAYAAN

0 16

Advertisers

DAPAT pag-ukulan ni BBM ng panahon ang edukasyon ng kabataan. Biktima ito ng labis na kapabayaan. Hindi ito inasikaso ni Sara Duterte sa loob ng dalawang taon na siya ang kalihim ng Deped. Prayoridad ni Sara ang ibang bagay maliban ang edukasyon ng iniatang ni BBM sa kanyang balikat. Lumihis siya sa tamang landas.

Mas prayoridad ni Sara na makulimbat ang intelligence at confidential fund ng Deped. Wala siyang pakialam sa edukasyon ng kabataan kahit may mga pag-aaral na kulelat ang kalidad ng mga mag-aaral na Filipino kung ihahambing sa kalidad ng mga nasa karatig bansa. Kamangmangan ang ipinakita ni Sara noong siya ang nasa timon ng Deped.

Marapat na pagtuunan ito ng pansin ni BBM sa kanyang SONA sa Lunes. Marapat na bigyan ng direksyon ang edukasyon ng bansa. Maiging magbigay si BBM ng giya kung paano dadalhin ni Sonny Angara ang Deped. Si Angara ang pumalit kay Sara na nagbitiw dahil wala siyang ambag sa edukasyon ng kabataan ng Filipinas.



May mga katwiran at batayan na gamitin ni Sonny Angara bilang gabay sa kanyang pamumuno sa Deped. Nandiyan ang mga ulat ng Education Commission 1 at 2 na naglapat ng mga solusyon sa mga suliranin ng edukasyon. Hinabi ng dalawang Edcom report ang daan upang umunlad ang edukasyon at ayon ito sa mga pagbabago sa mundo.

Pinili ni BBM si Sara bilang kalihim ng Deped kahit na sinabi niya sa publiko na nais niyang kalihim ng tanggulang bansa. Hindi niya nakuha ang kanyang gusto. Hindi siya nakapag-alburuto sa publiko at maaaring isa ito sa mga dahilang kung bakit hindi siya naging epektibong kalihim ng Deped. Siya mismo ang nangangailangan ng malawakang edukasyon upang maging epektibong kalihim ng edukasyon.

Walang tinangkilik na simulain o panukalang pagbabago sa edukasyon si Sara. Wala siyang tinangkilik maliban sa panukalang pagbabalik ng ROTC sa pag-aaral at “toothbrush drill” ng mga mag-aaral na maiging ginagawa g mga magulang ng mga batang mag-aaral. Minsan, kinampihan niya ang basagulerong si John Anthony Amores na nanuntok ng kalabang atleta sa isang laro ng basketball sa NCAA. Tinanggal si Amores sa team ng JRU.

***

KAKATWA ang sitwasyon sa Deped noong si Sara ang kalihim. Nangangailangan ang Deped ng mas malaking puhunan upang tugunan ang lumalaking pangangailangan at pag-unlad sa edukasyon ng kabataan. Kailangan rin iangat ang kalidad upang makaagapay sa kalidad ng mga karatig bansa. Ngunit hindi kumilos si Sara. Wala siyang ginawa.



Hindi edukador si Sara upang maunawaan niya na ang Filipinas ang may maliit na gastos sa mga bansa sa Silangang Asya sa edukasyon. Kahit minsan, hindi siya nagsalita ng anumang hakbang upang mapaunlad ang edukasyon g kabataan. Wala sa kanyang puso ang edukasyon ng bansa. Abala siya sa red tagging, o magbintang sa mga guro na kakutsaba ng mga komunista.

***

MAIGING maunawaan ni Sonny Angara na ang guro ang pinakamahalaga sa edukasyon ng kabataan. Kapag mababa ang kalidad ng mga guro, maaasahan na mababa rin ang kalidad ng mga mag-aaral. Samakatuwid, kailangan ni Angara na paunlarin ang kalidad ng mga guro upang magkaroon ng mga mag-aaral na kasinggaling ng ga taga-karatig bansa.

Maiging magkaroon ng programa si Angara upang mapaunlad ang mga guro. Hindi to nagawa ni Sara. Walang pagmamahal si Sara sa edukasyon ng kabataan. Isa itong bagay na walang alam si Sara.

Mayroon isang milyon guro ang bansa. Ito ang pinakamalaking sektor ng mga propesyonal ng bansa. Tingnan natin kung ano ang programa ni Angara sa mga guro. Tingnan natin kung ano ang gabay ni BBM sa ikauunlad ng mga guro. Hindi alkalde si Angara ng isang siyudad o bayan upang hindi maintindihan ang pangangailangan mapaunlad ang kalidad ng mga guro ng bansa.

***

POST ko ito sa social media:

EXACTLY a year ago, the Appeals Chamber of the International Criminal Court (ICC) junked the second appeal of the PHL government to stop or delay the formal investigation by the ICC of the crimes against humanity charges against Gongdi and his co-conspirators.

There is no other judgment the ICC has made in connection with the charges which Sonny Trillanes and Gary Alejano and a host of left wing organizations have filed with the ICC. It means a single thing, the process of formal investigation by the ICC is ongoing. The relative silence of the ICC does not mean the world court has stopped its process.

Exactly a year ago, the BBM government decided not to file a third appeal to stop or delay the process. It chose not to risk the unpalatable tag of being a laughing stock if ever it files a third appeal. It knows it did not have the arguments to raise a third appeal.

***

ISA pa itong post ko: It would be suicidal for Rodrigo Duterte to hire the likes of Harry Roque, Sal Panelo, or even Ferdie Topacio to constitute his battery of lawyers to face his charges against humanity before the ICC. They are just noisy. Their names have not been tarnished with court victory. Gongdi will be forced to hire foreign lawyers, who will charge him astronomical fees for their professional services.

***

Isa pang post ko sa social media: Those generals and other top officials used to be powerful at the height of the bloody but failed war on drugs. They could decide life and death on suspected drug users and pushers. They were helpless against them. Now, they are in a pitiful state after Duterte has flown out of the coop and went to China. They are left alone to face the ICC.

Duterte is not known or standing for his men. His policy has always been “me first.” Will they turn against Duterte? Most likely. They have no choice. The prescription period for murder under Philippine laws is 20 years. This means a court case can be filed within 20 years after a murder occurred. These PNP generals have nowhere to go.

***

MGA PILING SALITA: “The judgment convicting former Rep. Satur Ocampo, Rep. France Castro, et. al. for supposed child abuse involving Lumad children should be reviewed and reversed on appeal. It is ironic that those who seek to protect children from the armed conflict between insurgents and the State are targeted and politically persecuted. This should never happen in a just, free and democratic society.” – Leila de Lima, ex-senator and human right lawyer