Advertisers

Advertisers

Mabuti pa si Sen. Migs Zubiri may paninindigan!

0 13

Advertisers

Bago siya “pinatalsik” bilang Pangulo ng Senado, si Senador Migs Zubiri ang kaunaunhang statesman-lawmaker na naringgan ko ng mga salitang hindi ko naririnig hanggang sa mga oras na tinitipa ko ang pitak na ito, tungkol sa hindi lang kontrobersyal ngunit mas mapanganib pang POGO issue sa bansa.

Nuong siya ang “man at the helm” ng Senado sinabi ni Senador Migs na dapat nang i-ban o tuluyang ipahinto na ang POGO operation na bantad na sa mga piling lugar dito sa bansa. Alam ni Zubiri ang kanyang sinasabi dahil mas may alam siyang magiging epekto ng patuloy na pagpapaandar ng mga online gaming na sabi ng gobyerno ay malaking kita para sa bayan at maraming trabaho sa mga Pilipino ang maidudulot nito.

Nitong mga huling kaganapan sa Congress at Senate committee hearings patungkol sa POGO, lumawit ang ilang maseselang issue tulad ng citizenship issue laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ang travel spree ni Harry Roque at ng isang kaibigang pageant personality sa iba’t ibang lugar sa Europa at Asia at higit sa lahat ang hindi maipaliwanag na krimeng naglipana sa kanilang exclusive confines.



Ang magiting na PAOCC USEC Gilbert Cruz na isang retiradong PNP general mismo ang nagngunguna sa technical and tactical operation laban sa mga POGO establishments mula’t sapul. Sa ilang operation nila may nakumpiska silang mga bagay, gadget at ilang banned sharp and pointed objects sa mga clandestine places kung saan ang mga biktima ng krimen tulad ng torture at ” killing” ng mga empleyado, na karamiha’y banyaga ay nagaganap.

Sa isang okasyon, nakita ko sa TV at trending pa sa internet ang ilang uniporme ng Peoples Liberation Army ng komunistang Tsina at me mga ID pa mandin na nabawi ng ating mga operatiba na nagpapahiwatig na silang mga “pirata ng WPS” ay nasa loob na ng bansa at alalaon baga’y “natutulog lang?”

Balikan natin ang nakaraan nang ang mga POGO ay umpisa pa lang pumasok sa bansa upang magtayo ng kanilang “fortress” sa mga piling lugar. Sa Cavite mismo, isang islang dati rati’y leisure or entertainment resort ang sinasabi ng mga taga roon na pagaari na ng mga Tsino. Sa di kalayuan ng Cavite, ang Multinational Village sa paligid ng NAIA premises ay katatagpuan mo ng mga singkit na pinakamahinang sasakyan at Alphard at MBenz. Tanungin mo ang mga security guard—ililigaw ka Sir!

Ngayon, si Senador Migs ay muling pumitada at on a second public pronouncement na narinig at nabasa ko…i-totally ban the operation of these POGOs. It will not harm the revenue, that is my personal take. It will further strengthen our national security, internally and internationally. Mga Koyang kong nakakabasa ng pitak ko paki text po ang inyong komento sa 09173121225 upang ang inyong tinig ay marinig rin ng ating bayang salat sa mga kaganapang kritikal para sa bayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">