Advertisers

Advertisers

Mga opisyal mismo ang ahente, broker at smuggler? IMEE AT TULFO TAMEME SA ANOMALYA SA BOC?

0 48

Advertisers

MISMONG mga opisyales mismo sa Bureau of Customs ang mga smugglers?

Lumutang ang katanungang ito nang ilang empleyado mula sa pantalan ang nanawagan kina Senadora Imee Marcos at Senator Raffy Tulfo na agarang magpatawag ng imbestigasyon kung bakit hanggang ngayon ay hindi nasusgpo ang sindikato ng smuggling sa bansa.

Sinabi ng mga nagrereklamo na dapat tanungin sina Bureau of Customs chief Bienvenido Rubio at Deputy Customs Commissioner Vener Baquiran na may pinapaboran silang mga Customs broker.



Mahalagang maipaliwanag umano ng mga opisyales ang sumbong laban sa kanila dahil kung ang ilang ordinaryong Customs broker ay sinisingil sa standang prize na P150,000 hanggang P200,000 kada container, samantalang ang ilang pinapaborang broker ay sinisingil lamang ng halagang P70,000 kada lata ng kargamento.

“Kung ikaw ay ordinaryong broker at ang singil mo sa kliyente mo ay P150k hanggang P200k kada lata (container), wala ka nang laban dahil sa mismong broker ng mga BOC officials ay 50 percent discount. Kaya iyong nagpaparating ng shipment ay lumilipat na rin sa kanila. Unfair para sa amin,” sabi naman ng isang ordinaryong Customs broker.

“Wala ring huli kapag sa kanila magparating pero kapag sa ibang broker, katakot takot na panggigipit pa ang ginagawa para lamang sumuka uli ng lagay,” dagdag pa ng nagsusumbong.

Reklamo naman ng ilang BOC employees na kapag dumadaan na sa kanilang tanggapan ang mga pinapaborang shipment umano ng dalawang opisyal ay ‘libre’ ito at hindi na nagbibigay ng ‘lagay’ sa kanila.

“Kapag dumaan dito sa amin mga shipment nila ay wala nang lagay at tuloy tuloy pa ang kargamento. Walang puwedeng gumalaw. Paano kung may droga na palang nakaipit diyan?” sabi naman ng isa pang BOC employee na nakiusap huwag nang banggitin ang pangalan.



“Thank you na nga sa lagay, obligado pa kaming magbigay sa kanila ng lingguhang lagay. Quota raw iyon at kapag hindi nagbigay ay tatanggalin kami sa puwesto at ang ipapalit ay iyong payag sa ganitong uri ng galapal na sistema,” sumbong pa niya.

Kapansin-pansin din na ang lahat ng pararating na imported vehicles, partikular na ang mga luxury at high end vehicles ay kailangang si BOC chief Rubio lamang ang puwedeng ‘magpapasok.’ “Labas pa riyan ang sindikato ng oil smuggling at cigarette smuggling,” sabi ng isang Customs examiner.

Isang nagngangalang Noel Bucaling na assistant director sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dapat ding tanungin kung totoo bang may illegal na transaskiyon din ito sa BOC.

Samantala, ang ‘tao’ umano ni Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo na si Deputy Commissioner Juvymax Uy ay kabi-kabila naman ang ipinalalabas na ‘mission order’ para salakayin ang mga warehouse sa labas ng Customs.

Ang inuutusan nito ay ang tinatawag na Enciso brothers na inaasukahan namang nagpapa-areglo umano P1 million kada bodega.

“Kung 10 bodega ang aareglo sa mga Enciso ay P10 million iyon! At kung 30 bodega, P30 million iyon. Alam kaya ni DepCom Juvymax iyong mga pinipirmahan niya?” Sabi naman ng isang Customs police.

Dahil dito, nanawagan ang mga dismayadong BOC employees dalawang senador Samantala, ang ‘tao’ umano ni Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo na si Deputy Commissioner Juvymax Uy ay kabi-kabila naman ang ipinalalabas na ‘mission order’ para salakayin ang mga warehouse sa labas ng Customs.

Ang inuutusan nito ay ang tinatawag na Enciso brothers na inaasukahan namang nagpapa-areglo umano P1 million kada bodega.

“Kung 10 bodega ang aareglo sa mga Enciso ay P10 million iyon! At kung 30 bodega, P30 million iyon. Alam kaya ni DepCom Juvymax iyong mga pinipirmahan niya?” Sabi naman ng isang Customs police.

Dahil dito, nanawagan ang mga dismayadong BOC employees kina Senator Imee Marcos at Senator Raffy Tulfo na pagtuunang pansin ang mga ganitong klase ng reklamo. Hindi umano dapat sila maging tameme sa mga ganitong klaseng sumbong at kontrobersiya

“Si Senator Imee po ay kapatid ni President Marcos. Kamakailan ay nagdasal pa siya sa Jesus is Lord Movement na ilayo sa mga demonyong nakapaligid sa kanya si PBBM. Sa BOC po, maraming demonyo, Senator Imee,” sabi ni Mike.

“Kay Senator Raffy Tulfo, nasaaan na po iyong sinasabi ninyong tatalupan nyo ang pagkatao ng mga taong nagparating ng kosten Bugatti Chiron na may halagang P365 million? Bakit po nanahamik kayo? Dapat po buhayin ang imbestigasyon na iyan at isama sa investigation ang garapal na korapsiyon sa BOC ngayon,” pagtatapos pa niya.

Kung matatandaan, sa ikalawang SONA ni PBBM noong July 2023, nabanggit ng Pangulong Marcos na bilang na ang araw ng mga smugglers at hoarders, ngunit nakatatlong SONA na ito ay wala pa ring nagnayaring pagbabago.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag txt or tumawag sa 09352916036