Advertisers

Advertisers

PUMUPOSISYON HINDI OPOSISYON

0 2,278

Advertisers

Kamangmangan ang ipinakita sa halip na kagalingan ang tagapagmana ng Row 4 ng kaTimugan. Sa kawalan ng isyu o usapin na ibig ibalatay sa kasalukuyang dating katambal sa halalan, ang gawi ang pinuntirya upang ipahiwatig na nasa kabilang bakod na ng pulitika sa bansa. Sa pagpapakita kuno ng pagsinghot bago sumagot sa tanong na ibinato, tila ibig ipahiwatig ni Inday Sipa na oposisyon ang tindig at ‘di kakampi ng kasalukuyang administrasyon higit sa larangan ng pulitika. Sa ipinakitang pagpigil ng hininga at pagtawa sa aksyong ginawa, tila isang pahiwatig o patama sa kasalukuyang pangulo na batid nito ang bisyo at ganap ng lagot ang tali ng Uniteam. Sa ipinamalas na pigil hininga bago sa pagsagot, asahan na ang kaTimugan ang tatayong kritiko at oposisyon ng kasalukuyang pamahalaan. Wala nang Uniteam, malayang magagawa ng kaTimugan ang pang-ookray kay Jun Singhot higit sa astang tila may kendi sa bibig na tabingi.

Sa totoo lang, ang ipamukha sa bayan ang ang pagngiwi, pagpigil ng hininga at ang papoging asta o gawi ni Jun Singhot ang madaling tularan ni Inday Sipa dahil sa walang lalim ang kaisipan upang sumisid ng mga isyu o usaping bayan. Pangalawa, sa pagtalakay o paglalabas ng usaping bayan, mahirap masustena ang usapin o ‘di magagawa ni Inday Sipa na palalimin at baka malunod sa kawalan ng kaalaman. Pangatlo, nag-iingat si Inday Sipa at baka matanong sa usping ilalabas at ‘di masagot tama. Pang-apat, at ang pinaka iniiwasan ang pagsakay sa mga isyu na inilalabas ng ganap na oposisyon sa takot na bumalandra o bumalik sa dating pamahalaan ng ama at mabukulan. Madadala ba ang isyu hinggil sa paglago at ang papatakbo ng POGO sa maraming lugar sa bansa higit sa lalawigan ng Pampanga? At ang nakakatuwa at magpapa-umid sa bibig ni Inday Sipa, ang pagkakalambat sa ngalan ng isang Haring Shoke na may kalapitan sa katimugan. Sa mga nakalap na dokumento ng mga sumalakay na mga alagad ng batas, nasilip ang ngalan ng Haring Shoke bilang abogado ng POGO. Sa pagkakatuklas ng pagpasok ng ngalan ng dating tagapagsalita ni Totoy Osla, magagawa ba ni Inday Sipa na tayuan ang isyu? O’ maglalabas ng usapin na pantakip sa isyu na dapat sila ang nakasalang, na coup ha?

Sa totoo lang, magandang isyu ang POGO subalit hindi makakayanan ni Inday Sipa na tindigan ang ito sa batid na kadahilanan, lutong kaTimugan ang nilagang itlog ng POGO. Sa pagkakadawit sa ngalan ng matalik na tagapagtangol hindi matatagalan ang init at masunog ang pumuposisyon na oposisyon. Karagdagan, hindi kayang tablahin o itatwa ni Inday Sipa sa ngalan ng pagiging oposisyon ang malapit na kaibigan na malaki ang ambag sa pagpapainog ng ngalan sa media at social media. Sa takbo ng politika, mahihirapan si Inday Sipa na maipakita ang tindig ng ganap na oposisyon higit sa mga nauungkat na usaping bayan. Ang masakit, nakatali sa gawa ng mangmang na ama ang mga usping mahirap tindigan, EJK, Quibulloy, corruption at iba pa. Sa daloy ng usaping politika, hindi maipapakita ng kaTimugan kahit isama ang kapwa mangmang sa senado ang pagiging oposisyon dahil sa bigat ng pasanin sa nakaraan. Hindi magagawang mapitik ng mga kaTimugan ng usapin ang Hilaga at baka pagsisihan sa kulungan.



Sa punto ng pagiging oposisyon, mag ingat ang tunay na tumitindig sa mga usaping bayan at gawin sangkalan upang makaposisyon ang kaTimugan bilang oposisyon. Nasimulan ang pananalakay sa ganap na oposisyon sa paghahain ng gawa-gawang kaso laban kay Cong. Castro at dating Cong Ocampo ng Bayan Muna. Gamit ang isang sangay ng sibilyang ahensya, ang ELCAC kung saan nahatulan o naglabas ang isang hukom na nagbangit ng sala ng dalawang akusado. Walang pagbabangit sa pagdinig o sala, ibig na ilarawan winawalis ng pumuposisyong oposisyon ang mga ‘di kasanga upang makuha ang trono ng pagiging oposisyon. O” di ba…

Manipis ang layon at basado ang galaw na ibig na maging pangunahing kritiko ng pamahalaan higit ni Jun Singhot, Lizarda at maging ni Waray Upay ang mangmang na si Inday Sipa. Ang paglabas ng hatol sa kasong gawa gawa’y ang katangian ng kaTimugan at sa huli malalaman na tuwirang walang tindig ang mga kasong sinampa. Dahil batid ang layon ni Inday Sipa, na maging oposisyon subalit ‘di magawang tumindig sa isyu ng bayan, ang pagsabungin ang tunay na oposisyon at ang administrasyon ang gagawin. Sa pagbabangaan ng magkabilang panig, umaasa ang lipi ng mangmang na sila ang mananatili at siyang lakas na aasahan.

Madrama si Inday Sipa, at ilalayo ang sarili sa usaping bayan na dulot ng ama at pakiligin ang mga bobotante sa mga drama ng pagpapakumbaba at pagpapabasa sa ulan, bayan huwag magpalinlang. Mang Juan ang eksena sa Naga’y ganap na natutunan sa tele-drama at baka madala’t sumakay sa kalokohan ni Inday Sipa. Huwag kalimutan ang pananapak nito sa isang Sheriff sa Davao na nagpapatupad sa kautusan ng isang hukuman. Huwag kalimutan ang P125M na inubos sa loob ng 11 araw. At huwag kalimutan ang bilyon bilyong Intelligence at Confidencial Fund na nilantakan ng ito’y alkalde ng isang bayan sa kaTimugan. Panghuli, huwag kalimutan na anak ito ng berdugo na nagpatahimik sa maraming walang muwang na biktima ng EJK sa bansa.

Ang ‘di makatindig sa usaping bayan na lagda ng tunay na oposisyon ang batayan na masasabi na hindi oposisyon si Inday Sipa sa halip ito’y pumuposisyon. Malayo pa ang halalan subalit tanaw na ang mala tele-dramang pagganap na tunay na nakakasuka at nakakasuklam. Hindi makatindig sa usapin ng labis na pag-iikot sa mundo ng mag-asawang jet-setter ang peg. Hindi matayuan ang paglalabas at paggamit ng DOF sa mga pera ng mga GOCCs/GFIs para sa unprogrammed fund ng pamahalaan. Malungkot si Mang Juan na malaman na hindi matindigan na ibig na maging oposisyon ang mahahalaga isyu ng bayan at mamamayan. Hindi umaasa si Mang Juan sa pumuposisyon dahil batid ang likaw ng bituka nito na pansarili ang takbo. Hindi pa usapin ang pagiging taksil sa bayan sa pagkiling sa mga singkit na ibig sumakop sa bansa. Malaki ang panininiwala ni Mang Juan, ni Aling Marya at ng bayan na hindi isang oposisyon si Inday Sipa kundi pumuposisyon. Ang masakit nariyan na naman ang umuugong na usapin naCoup na hinihinog ng coung sino? Paki tayuan nga ito Inday Sipa at ipakitang ayaw mo.

Maraming Salamat po!!!!