Advertisers
ITINARAK ni veteran guard Kiefer Ravena ng Strong Group Athletes( SGA) Philippines ang dagger trey sa krusyal na sandali upang isalba ang kaponan sa bingit ng upset kontra host Taipeh -A para angkinin ang kampeonato ng 43rd William Jones Cup na idinaos sa Taipeh Linggo ng gabi.
Ang go-ahead triple ni Ravena (Cocolife Ambassador for Sports) 73 – 71 ay natapatan ng Taiwan’s Import na si Brandon Gilbert upang ma-extend ang title game via overtime.
Nangangamoy kampeon na ang host team, sa panimula ng fourth quarter sa pagputok ng tirador ng Taiwan na si Hsieng Chung Tseng at Cien Hao Ma upang dumistansya ng 7 puntos sa di magkamaliw ng saya sa Taiwanese home crowd subalit tinapyasan agad ito ni RJ Ginebra-bound Abarrientos, Jordan Heading at Agee na pumuno sa mahinang performance ni Chris Me Cullogh upang akayin ang team ng Pilipinas sa waging score na 83-79.
Ang panalo ng tropa ni coach Charles Tiu ay pampito na ng Pilipinas se Jones Cup kung saan ang ang pinakahuli ay noong 2019 sa banner ng Mighty Sports-Philipines.
Ang produkto ng Ateneo Blue Eagles at naging miyemro ng national squad ay suportado nina Cocolife President Atty . Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty.Elmore Omelas na nagnombra kay Kiefer bilang Cocolife Ambassador for Sports. (Danny Simon)