Advertisers

Advertisers

Imelda, Rey at Hero sumuporta at nakibahagi sa Efren Reyes Jr. film na The April Boy Regino Story

0 18

Advertisers

Ni Jovi Lloza

GUMILING na nga ang kamera mula sa kamay ng Famas Awardee na si Direk Efren Reyes Jr. para sa pelikulang magtatalakay sa true to life story ni Idol na may titulong The April Boy Regino Story under WaterPlus Productions ni MRG.

Naging good vibes ang first shooting day ng biopics ng tinaguriang Idol.



Nakibahagi at sumuporta sa movie ang very hectic ang iskedyul na si Board of Director ng PCSO, Singer Actress Politician na si Ms Imelda Papin.

Natuwa ang producer ng film ng WaterPlus Productions na si MRG para sa support nina Ms. Papin, Rey PJ at Hero atbpa para sa The April Boy Regino Story sa pagpapaunlak ng mga ito na maging bahagi ng nasabing pelikula.

Isang karangalan naman para sa producer ng The April Boy Regino Story na maging bahagi sina Imelda, Rey, Hero at iba pang mga haligi na ng showbiz industry.

Samantala, sa actual shooting ay wala at di naman nagpakita at di puwede magpakita ang gaganap ng April Boy sa Efren Reyes Jr film.

Kaya naman nananabik na ang mga tao na masilayan kung sino ba ang gaganap at naiwan na lang sa kanilang isipan ang tanong kung sino kaya ang gumanap na April Boy.



Si JC Regino na mismong anak ni April Boy Regino ang aawit ng themesong ng pelikula sa pagbabalik sa pagdidirek ni Efren Reyes Jr.

***

Aga nagulat sa
nalaman sa kambal
IPINAGMAMALAKI ni Aga Muhlach ang kanyang kambal na anak.
Sa Amerika nagsipag-aral ang dalawa.

Pagmamalaki pa ni Aga na napaka- independent na ng kanyang mga anak.

Dahil nga nung maghanap ng school sa college at magiging boarding house ay naglakad ang mga ito ng kanilang docs sa kanilang pag aaral.

Wala na ginawa ang magulang nina Atasha at Andres dahil sila na ang naghanap at naglakad.

Sagot lang ni Aga ay ang pambayad sa tuition at boarding house.

Kaya ikinagulat ni Aga nang malaman nito na gusto pala ng kanyang kambal na mag showbiz.

Kaya naman ang kanilang karera ay ipinaubaya na sa Viva.

Kaya malabo na maging stage parents sina Aga at Charlene dahil may management ang kambal na mamamahala sa karera ng kambal.