Advertisers
Ni Jimi Escala
TAONG 2918 pa nang magtapos ang relasyong Inigo Pascual at Maris Racal.
Matagal na ring walang komunikasyon sina Maris at Iñigo after ng kanilang paghihiwalay!
Sabi pa nga ni Iñigo sa isa sa mga interbyu sa kanya na mas importante raw na kilalanin at mahalin niya muna ang sarili niya bago niya seryosohin na magmahal, huh!
“Sa totoo lang, mas mahirap piliin yung sarili mo kaysa mga bagay na gusto mo.
“Minsan you get blinded by the things you want, the things you’re comfortable with.
“Like me, going to the States, I feel like it’s a parallel situation. Its not the ideal move for me.
“But when you learn about yourself, it’s a big step,”seryosong banggit pa ng anak ni Piolo Pascual.
Samantala, suportado ni Iñigo ang pinagdadaanan ngayon ni Maris.
Matatandaang inamin sa publiko ni Maris last week ang tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Rico Blanco.
Hindi naman ikinakaila ni Rico na napanood niya ang nasabing pahayag ni Maris tungkol sa hiwalayan nila ng singer.
“I actually watched it. I fell for her. I know its a tough but I see it in a good light.
“The way she talks sbout it. She’s getting to know herself. Im very proud of her.
“Its a choice for her to turn a page, turn a new chapter,” pahayag pa ni Inigo.
***
MAY 23 years nang mag-asawa sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa. Sabi pa ni Jessa na sa tagal daw nilang nagpe-perform together ay marami na raw silang natutunan.
“Every show, pinag-iisipan niya talaga na gusto niya hindi lang 100% ‘yung ibibigay niya,” sey ni Jessa.
Kapwa hindi man aktibo sa telebisyon at pelikula ay masaya naman daw sila sa takbo ng kanilang career.
“We feel so blessed that na nandito kami sa pagkakataon sa career namin na we can choose kung ano ‘yung trabaho na gusto naming tanggapin, na hindi naman lahat nakakagawa ng gano’n. Hindi na ito ‘yung point sa buhay namin na nakikipaghabulan kami. Kasi very grateful na din naman kami sa naiambag namin sa music industry. So ngayon ang mas nai-enjoy ko na mga projects, kung sakaling dumating, feeling ko meron akong iba pang kailangan gawin, medyo hindi ko muna tatanggapin ‘yon.
“Hintay na lang ako sa susunod. Ang priority ko talaga ngayon ‘yung family ko,” sey pa ni Jessa.
Ayon pa rin sa singer at aktres ay mayroong na siyang mga tinanggihang proyekto partikular na ang paggawa ng serye. “Natatanggihan ko kasi honestly nahihirapan na talaga ako sa puyat. Hindi na ako bagets, hindi ko na keri! Isang reason kasi ‘yung commitment na kailangang hindi ka mag-a-absent. Hindi ka pwedeng umalis ng six months. Parang gusto ko pa rin mas ma-enjoy ‘yung singing career ko. Parang feeling ko dapat pipili ka lang ng isa,” lahad pa ni Jessa.