Advertisers
Ni Archie Liao
NAGPAPASALAMAT ang dating Manila Mayor Isko Moreno dahil pasok ang kanyang pangalan sa latest survey ng senatoriables na inilabas ng Pulse Asia.
“Actually, sobrang nakakataba ng puso ang patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa akin ng ating mga kababayan. Labis akong nagpapasalamat sa kanilang tiwala at suporta. Masaya lang ako dahil hindi tayo nakakalimutan at kabilang sa mga kandidatong napupusuan sa susunod na eleksyon,” aniya.
Aminado rin siyang may mga humihimok sa kanya mula sa iba’t ibang sektor na kumandidato muli sa susunod na taon.
“Oo nga, there is clamor.But we’ll see. Will pray. Will pray for that,” pakli niya.
Sa ngayon daw ay napakaaga pa para magbigay siya ng pahayag sa kanyang desisyon.
“It”s too early to tell. Maybe time will tell kung kailan tayo magdedesisyon. Basta ako, iyong mga lolo at lola, mahal na mahal ko po kayo,” deklara niya.
Masaya rin siya na kahit wala na siya sa serbisyo publiko ay naiimbitahan pa rin siya sa mahahalagang okasyon katulad ng National Hopia Day.
“I am happy, honored and humbled na kahit wala tayo sa service ay naiimbitahan tayo to be part of this event,” bulalas niya.
Kaisa raw siya sa naglalayong ipaabot sa kamalayan ng lahat at maging sa millennials ang kahalagahan ng pagkaing ipinamana pa ng ating mga ninuno.
“Ang hinohopia ko sana makilala ng bagong administrasyon ang isang pagkain na ipinakilala sa atin ng ating mga lolo’t lola, ng ating mga tatay at nanay na hopia,” aniya.
Binati rin niya ang mga negosyong patuloy na itinataguyod ang paggawa ng nasabing produkto.
“I would like to congratulate local businesses who are producing this delicacy na malapit sa puso natin at sana mapalapit din sa ating mga kabataan o Gen Z,” dugtong niya.
Sa National Hopia Day na ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall kamakailan, naging panauhin din ang beauty guru na si Cory Quirino at ang magaling na aktres na si Diana Zubiri.
Dinaluhan din ito ng Eng Bee Tin President at CEO Gerie Chua na inspirasyon ang mensahe ng tagumpay sa mga struggling entrePinoys.