Advertisers

Advertisers

PBA at Pacquiao sa survey!

0 8

Advertisers

Natutuwa na ang PBA sa diumano’y mataas nilang television ratings lalo na sa bago nilang tahanan sa RPTV-9.

Ayon sa TV5 Sports at Cignal TV ay umakyat sa 3.9% ang numero nila noong Meralco-San Miguel championship. Katumbas daw ito ng 2.8 na milyon na katao na nakatutok sa kanila.

Mas maigi raw yan ng 5 beses sa figures ng UAAP at 3 x na higit na mainam sa PVL Lahat ay napapanood din sa Cignal at produksyon ng Sports 5.



Pero ang hindi nila sinasabi sa press release ay mababa yan sa pangkalahatan na survey.

Ni hindi kasi nasa Top 20 na mga palabas na pwede nating panoorin.

Kung ikukumpara kasi sa naglalaban bilang No. 1 na mga programang ilang ulit nasasaksihan sa loob ng isang linggo ay maliit iyan. Nagtatala kasi ang 24 Oras sa GMA-7 at Batang Quiapo ng ABSCBN ng 14% hanggang 16%. Pati ang leading weekly show na Kapuso Mo, Jessica Soho ay nakaka-score ng 16%.

Malayo rin yan sa heyday ng liga kung saan nasa Top 10 pa ang game sa Finals nila.

In fairness sa PBA binanggit nila na ang problema nila ay ang attendance sa mga venue ng mga laro. Kitang-kita naman natin na kakaunti ang audience sa Araneta Coliseum o MOA Arena man. Kahit sa mga smallerå na palaruan gaya ng Ninoy Aquino Stadium at Ynares Center ay hindi pa rin nila kayang punuin.



Sa madaling salita ang pinakamabigat pa rin suliranin ay ang popularidad na hindi pa nila naibabalik sa kanilang katanyagan.

***

Wake- up call sa Team USA ang muntik nilang pagkatalo sa South Sudan bago ang totoong laban nila sa Paris Olympics.

Lamang ng double digit ang mga Sudanese at hinabol lang sila ng mga Kano.

Kailangan pa ang isang driving lay-up ni LeBron James at isang defensive stop para manalo ang koponan ni Steve Kerr.

Tiyak mas matitindi pa mga katunggali nila sa bansang France para sa target na medalyang ginto.

Dahil hindi nakapasok ang Gilas sa torneo ay sa mga taga-NBA ang puso ng mga Pinoy.

Kaya ba LBJ?

***

Pasok sa mga 2025 senatorial survey si Manny Pacquiao. Bandang gitna ang posisyon sa dose ng 8-time world boxing champ. Baka ito at ang alok ng administrasyon masama sa line-up ang magtulak sa kanya upang tumakbo muli sa dating puwesto.

Kayo, gusto nyo pa ba siya sa Mataas na Kapulungan?