Advertisers
MARIING iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang West Philippine Sea ay hindi kathang isip at ito ay atin.
Ayon sa Pangulo, mananatili itong atin hangga’t nag-aalab ang diwa ng minamahal nating bansang Pilipinas.
Ang pahayag ng Presidente ay kasunod sa nagpapatuloy na tensiyon sa nasabing rehiyon.
Matatandaan na patuloy ang pagiging agresibo ng China sa bahagi ng Ayungin Shoal.
Pinuri naman ni Pangulong Marcos ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard, at maging ang mga mangingisda dahil sa kanilang ginawang pagmamatyag at sakripisyo para maprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas.
Kumpiyansa rin ang Pangulong Marcos na ang tanging solusyon para maibsan ang tensiyon sa nasabing rehiyon ay sa pamamagitan ng pagsunod sa international rules based order.