Advertisers

Advertisers

Yulo, Marcial, Delgaco sisimulan ang kampanya ng PH sa Paris Olympics

0 6

Advertisers

SISIMULAN nina gymnast Carlos Yulo, boxer Eumir Felix Marcial at rower Joanie Delgaco ang kampanya ng Pilipinas sa Paris Olympics sa Hulyo 27,isang araw matapos ang opening ceremony ng Seine River.

Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino na kayang tapatan ng batch ang kapalaran na natamasa ni weightlifter Hidilyn Diaz, na nag-alay sa bansa ng kauna-unahang gintong medalya, o malagpasan ang silver medal ng boxers Carlo Paalam at Nesthy Petecio – lahat nakamit sa Tokyo 2020.

Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino has high hopes that this year’s batch will match the feat of weightlifter Hidilyn Diaz, who plucked the country’s first gold, or surpass the silver medals of boxers Carlo Paalam and Nesthy Petecio – all achieved in Tokyo 2020 (held 2021 because of the Covid-19 pandemic).



“We’re looking forward to Caloy [Yulo], Eumir and Joanie giving the country that strong start in Paris. They’re all ready and inspired and in high spirits,” Wika ni Tolentino sa statement Linggo.

Ang 23-year-old Yulo, na fourth place sa vault event sa Tokyo, ay sasabak sa qualification round ng men’s individual all-around simula alas 9:30 ng gabi (PH time). Ang finals ay sa Miyerkules Hulyo 31.

Samantala, si Marcial ay sasabak sa light-heavyweight division, alas 9:30 rin ng gabi.

Ang 23-year-old pride ng Zamboanga City, na taglay ang 5-0 rekord as a pro, binulsa ang middleweight bronze sa Tokyo.

Samantala,si Delgaco ay umaasa na maabot ang women’s singles sculls final. Ang heats ay nakatakda sa alas 3 ng hapon. (Philippine time).



Siya ang kauna-unahang female rower na qualify sa Olympics.

Bukod kay Yulo, ang world champion sa floor excercise (2019) at vault (2021) ang iba pang tatlong gymnast na qualified para sa Paris ay sina Filipino-Americans Aleah Finnegan, Levi Jung-Ruivivar at Emma Malabuyo.

Makakasama ni Marcial,Petecio at Paalam sa boxing team sina Aira Villegas at Hergie Bacyadan.

Ang iba pang miyembro ng Team Philippines ay sina Vanessa Sarno, John Ceniza at Elreen Ando (weightlifting); EJ Obiena, John Cabang-Tolentino at Lauren Hoffman (athletics); Kayla Sanchez at Jarod Hatch (swimming); Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina (golf); Kiyomi Watanabe (judo); at Samantha Catantan (fencing).

Ang pilipinas ay ipagdiriwang ang kanilang ika-100 taon na paglahok sa Paris, na hahakot ng 10,714 athletes mula sa 206 mga bansa na sasabak sa 329 events mula sa 32 sports na magsisimula sa Hulyo 26 hanggang Agosto 11.