Atasha kapalit ni Kathryn sa puso ni Daniel; Jennylyn niregaluhan ng diamond bracelet at Hermes bag bilang BrauteDerm endorser
Advertisers
Ni Rommel Placente
NOONG nakaraang Huwebes, opisyal na ni-launch si Jennylyn Mercado bilang endorser ng newest facial care ng Beautederm na Threemendous TRIO serums, ang Cristaux Vitamin C, Cristaux Hydra Beauty at Cristaux Retinol.
Si Rei Anicoche Tan, ang President/CEO ng Beautederm, ay kilala na talagang ini-spoil ang kanyang mga ambassador at laging binibigyan ng mamahaling regalo.
Si Jen, bilang bagong dagdag sa pamilya ng Beautederm, ay binigyan lang naman ni Miss Rei ng diamond tennis bracelet at Hermes bag na ikinawindang ng aktres. Kaya naman labis ang pasasalamat ni Jen sa pagmamahal at pagtitiwala sa kanya ng skin care magnet.
Very happy din si Jen sa mga blessings na dumarating sa kanya lately. Aside from this new endorsement, kabubukas lang nila ng mister niyang si Dennis Trillo ng production company, ang Brightburn Productions, kasabay ng pagpapagawa nila ng kanilang dream house.
Samantala, nilinaw ni Jen na walang katotohanan na lilipat na siya sa ABS-CBN, gaya ng mga lumalabas na balita.
Ayon sa kanya ay wala namang offer ang nasabing network.
“Wala po, wala pong offer ng ibang network,” sabi ni Jen.
“Sa GMA, sa ngayon, wala pa po. Pero meron kaming lalabas na movie ni Dennis [Trillo] kasama si Sam [Milby] under CreaZion, wala pa pong target date pero this year lalabas. Sa GMA, siyempre, palagi naman akong Kapuso.
“Maraming nag-aantay ng sagot and ako naman, 20 years na akong Kapuso. I’m very thankful na hanggang ngayon, ako ay Kapuso pa rin.
“Meron pang nine-nego pero mabilis na lang po ‘yan. We’re just waiting for the contract pero happy pa rin ako maging Kapuso. Basta gusto pa rin nila ako, diba.
“Pinag-uusapan pa pero sa ngayon, kung gusto nila akong maging Kapuso, happy ako na maging Kapuso,”aniya pa.
***
HINDI pala aware si Aga Muhlach na nali-link ngayon kay Daniel Padilla ang anak niyang si Atasha. At marami ang nagsasabi na bagay ang dalawa bilang loveteam, since buwag na nga ang KathNiel.
“Inili-link? Hindi ko alam ‘yun. Well, wala naman akong magagawa, kumbaga, kung saan papunta ang trabaho nila. Wala naman akong kokontrahin kahit saan,” sabi ni Aga.
Dagdag pa nito, “Bilang artista wala akong kokontrahin kasi lumaki rin ako sa ganu’n. Lalo na kung bago ka at nagsisimula. it’s all work, nothing personal. If it’s a nice project, then go.”
Maganda at mestiza si Atasha, tiyak na maraming magkakagusto dahil nasa showbiz na.
“Kahit wala naman sa showbiz ‘yan kung talagang may aaligid, may aaligid talaga. Alam ko naman na ang anak ko ay hindi akin forever,” diing sabi ng aktor.
Hindi na rin binanggit ni Aga kung ano ang mga payo niya kay Ataasha pagdating sa pagpili ng magiging boyfriend.
“Alam na niya ‘yun, nasabi ko na ‘yun. Istrikto ako in a sense na nasabi ko na ang gusto kong sabihin, pero sa desisyon, siya ang magde-desisyon. It’s up to them, basta napalaki na namin sila ng tama,” aniya pa.
Mapapanood si Aga, kasama ang misis na si Charlene Gonzales at kambal na sina Atasha at Andres at Roderick Paulate sa sitcom na Da Pers Family, tuwing Linggo, 7:15pm sa TV5.