Advertisers
Ni Jovi Lloza
SADSAD sa rating ang nagbabalik na programa ni Willie Revillame sa TV5, ang Will to Win.
As in, inilampaso ng katapatan ng show ni Willie at pinataob ito ng Family Feud ni Dingdong Dantes.
Kaya bigla raw ito bumanat at nagpatutsada na “At least ang show na ito ay original!”
Tila niresbakan ito ng netizen na kung saan ay sinabihan ito.
Sey pa ng netizen na wala naman daw nagpipilit na mag-show si Willie.
At kung pagod na nga raw ito ay puwede na itong tumigil at magpahinga.
Porket mababa ang rating ng show nito ay nagpaparunggit na ito sa kalabang programa.
Samantala, dedma at di naman pinatulan pa ni Dingdong ang patutsada ni Willie.
May punto naman ang netizen na wala raw nagpipilit na mag show muli si Willie kaya mabuti pa na manahimik na lang siya.
***
MARAMI ang nabigla sa madaliang paglipat patungong Amerika ng magkapatid na Bimby at Joshua.
Medyo bitin daw ang pananatili ni Bimby sa pag uwi ng Pinas.
Expected ng marami na magtatagal na ito sa kanyang pagbabalik.
Inasahan pa nga na dito na raw sa Pinas mag aaral si Bimby at ipagpapatuloy na ang kanyang showbiz dream.
Pero naudlot ito at biglaan siyang pinabalik ng kanyang Mommy Kris Aquino sa Tate.
Ayon sa close ni Kris na entertainment writer na si Dindo B. ay nag text daw ito sa kaibigan at sinasabi ni Kris na sinasabi sa text na may sad blood results ang mudra nina Bimb at Josh na need na makabalik ng Tate ang magkapatid.
Marami namang nanghinayang na netizens sa pagkakaudlot ng showbiz career sana ni Bimb dito sa Pinas.