Advertisers

Advertisers

“Gawing espesyal ang araw-araw ni Lolo at Lola at ng lahat ng nakakatanda” – Mayora Honey

0 12

Advertisers

“MAKE everyday a special day for grandparents and the elderly. Give our lolo and lola a hug.”

Ito ang siyang apela ni Mayor Honey Lacuna sa publiko kasabay ng paggunita nitong weekend ng ‘World Day of Grandparents and the Elderly.’

Sa isang maiksing mensahe sinabi ni Lacuna na narating ng Maynila ang kinalalagyan ngayon dahil sa tulong ng mga senior citizen-residents na ibinigay ang kanilang panahon sa pag-aambag sa progreso ng lungsod.



“Pundasyon ng Maynila ang sipag at sakripisyong inalay ng ating mga nakatatandang Manileño noong kanilang kalakasan. Sila ang dahilan ng anumang tinatamasa natin ngayon. Kaya ngayong araw nila, ako at ang Pamahalaan ng Maynila ay lubos silang pinasasalamatan. Mabuhay ang ating mga lolo’t lola! Happy Grandparents Day po sa inyong lahat!” pahayag ni Lacuna sa kanyang social post nitong weekend.

Sa iba pang kaganapan, si Lacuna ay naglibot sa mga paaralan upang tingnan ang daloy ng pagbubukas ng eskwela sa unang araw nito.

Kasama si Vice Mayor Yul Servo, namahagi ng mga bags at notebooks si Lacuna at nanawagan sa mga mag-aaral na mag-aral ng husto para sa kanilang magandang kinabukasan.

Kabilang sa mga paaralan na dinalaw ng alkalde ang Rosauro Almario Elementary School, Dr. Alejandro Albert Elementary School at Quirino High School.

Umapela si Lacuna sa mga mag-aaral na pangalagaan ang kanilang paaralan at ang mga pasilidad at tratuhin ang kanilang paaralan bilang kanilang sariling tahanan.



Idinagdag din ng lady mayor na; excited kami sa first day of school kasi makikita nyo kung gaano natin pinaghirapan itayo ito. Pwede nyo na to angkinin parang private school bilin yul aral mabuti. dahil ito ay napakagandang paaralan alagaan ninyo panatilihing malinis ang Alejandro Albert Elem Schol ”

“Dahi inyo din ito, marami pang dadaan sa eskuwelahan na ito at ang gusto sana namin, kung pano n’yo ito dinatnan ngayon ay gayun din nila makkita sa susunod na mga taon,” pahayag pa ng alkalde.

“Iwasan nating sulatan ang dingdging at ang mga comfort room. Isipin nyo na ito ang inyong pangalawang tdahanan… kung paano n’yo sinisinop at inaalagaan ang inyon mga bahay, dapat ganun din dito dahil halos kalahati ng araw ay nandito kayo,” pagbibigay diin ni Lacuna.

Hinikayat din ni Lacuna ang mga mag-aaral na makinig sa mga guro at gawing proud ang kanilang mga magulang sa pamamagitan ng pagtatapos ng kanilang pag-aaral.

Sinigurado rin ni Lacuna na ang pamahalaang lungsod ay naririyan lamang upang ipagkaloob ang lahat ng kanilang pangangailangan matapos lamang ang kanilang pag-aaral dahil ito lamang ang siguradong magpapabago ng kanilang buhay. (ANDI GARCIA)